Isang lotto teller mula sa Imus, Cavite ang nanalo ng top prize na isang milyong piso (PHP1,000,000,000) mula sa ScratchIt™ variant na tinatawag na “Go For Gold.”
Kinolekta na niya ang kanyang panalo noong August 16, 2023.
Ang kanyang pagkakapanalo ay naka-post na sa news bulletin ng official website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong September 12.
Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto
Kuwento ng teller, bumili siya ng tiket habang nasa lotto outlet dahil naiinip lang siya habang nasa trabaho.
Sa pagkagulat niya, ang tiket na nabili niya pala ay ang lucky card na taglay ang winning number 36 na may katumbas na isang milyong piso.

Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order
Pagbabahagi pa ng teller, mayroon siyang tatlong anak.
Naninirahan silang mag-anak sa isang mahirap na bahagi ng Cavite.
Plano niyang gamitin ang napanalunan para lumipat sa mas maayos na tirahan at mapaganda ang kanilang buhay.
Ikinatuwa rin ng PCSO ang panalo ng teller dahil ito ang pinakamalaking premyo para sa naturang lotto game.
Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo
Ang ScratchIt™ ay isang lottery game ng PCSO kung saan ii-scratch o kakaskasin ng player ang play area ng biniling tiket para makita ang symbols or patterns na magma-match sa instant cash prizes.
Ang tiket ang may tatlong price categories:
- PHP20 na may premyong hanggang PHP200,000
- PHP50 na may premyong hanggang PHP500,000
- at PHP100 na may premyong hanggang PHP1,000,000.
Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo
Ang premyo sa ScratchIt™ ay ibinibigay sa winning ticket holders matapos ipakita at ibalik ang tiket, na kailangang intact pa rin.
Hindi makokolekta ng winner ang premyo kung may sira o alterations ang tiket, o kung ipag-uutos ng korte na hindi dapat bayaran ng PCSO ang winner.
Ang premyo na PHP1,000 at pababa ay maaaring ma-redeem sa alinmang ScratchIt™ outlets.
Kung mahigit PHP1,000 hanggang PHP20,000, maaari namang ma-redeem sa selected Lucky Circle outlets, PCSO Branch Offices at PCSO Main Office.
Ang premyo mula PHP100,000 pataas ay sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City dapat kolektahin.
Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man
