PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?

O inayusan lang ng zoo staff?
by KC Cordero
Published Sep 28, 2023
Photos of Hang Hang
Ang white lion na si Hang Hang ay isang atraksiyon sa Guangzhou Zoo dahil sa unique blond locks nito. May diskurso kung natural na bagsak at may bangs ang lion o ginupitan lang ng ito ng staff ng zoo. Sa tingin mo?

Ang buhok ng lion ang isa sa pinaka-recognizable na physical attribute ng tinaguriang “King of the Jungle.”

Makapal ito at tila naka-frame sa mukha nito.

Pero may isang white lion sa zoo sa Guangzhou, China, na masyadong “made” ang buhok.

Ang pangalan niya ay Hang Hang.

Read: Boss ng kumpanya, kinain ang sabon para patunayang all-natural ang ingredients nito

Photo of Hang Hang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mukhang sinuklayan at ang ganda ng bagsak, plakado rin ang bangs ni Hang Hang na parang sa baby girl.

Maihahalintulad ang buhok ng nasabing male lion sa hairstyle ng Filipino vlogger na si Mimiyuuuh.

Naging viral ang kakaibang mane ng lion.

Read: Maleesha Kharwa: From “slum princess” to Internet sensation and popular model

BANGS NI HANG HANG NAGING KONTROBERSIYAL

Sa ulat ng Oddity Central, isang news website na naghahatid ng weird, bizarre, and funny news, noong 2022 ay naging ugat ng kontrobersiya ang hairstyle ni Hang Hang mula nang mag-circulate online ang mga larawan nito.

Maraming netizens ang nag-akusa sa pamunuan ng Guangzhou Zoo na ginupitan lang ang lion para maging kakaiba ang hitsura ng buhok.

Patuloy namang itinatanggi ng zoo ang mga paratang.

Read: Bilanggo tumakas sa mismong araw ng kanyang paglaya

Paliwanag ng staff, hindi ganoon kadaling lapitan ang isang lion kung may hawak na gunting ang lalapit dito—at lalong delikado at mapanganib kung gugupitan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bakit nga ba ang ganda ng hairstyle ni Hang Hang?

Photo of Hang Hang with another lion

Binanggit sa official statement ng zoo na sanhi iyon ng humidity ng Guangzhou.

May mga netizens na patuloy na kinokontra ang pahayag ng zoo.

Isang social-media user ang nag-akusa sa staff ng zoo ng pagsisinungaling. Ayon dito, ilang beses itong bumisita sa zoo, at nang una nitong makita si Hang Hang ay katulad din lang ng sa iba ang buhok nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon, para umano itong nanggaling sa hair salon.

Ayon sa netizen, “I went there two months ago, its hairstyle was not like this, and now its hairstyle is so silly.”

Giit naman ng zoo, wala talaga itong kinalaman sa buhok ng lion.

Paliwanag pa ng pamunuan, dinidilaan ng mga hayop ang kanilang balahibo, at iyon ang dahilan kaya nagbabago ang hitsura ng kanilang buhok.

Walang namang naipakitang larawan ang netizen na larawan ni Hang Hang para patunayan ang kanyang akusasyon.

Read: Lotto teller na nainip, bumili ng “ScratchIt” ticket, wagi ng PHP1M

HANG HANG MAY RARE MUTATION SA BALAHIBO

Sa ulat ng My Modern Met, isang website na nag-uulat ng creative and positive ideas, interestingly, si Hang Hang ay bahagi ng species ng lion na may rare mutation sa balahibo.

Ang buhok ni Hang Hang ay nagbabago mula sa pagiging pale blond hanggang maging striking white.

Sanhi umano ito ng “leucism,” isang less-severe gene mutation kumpara sa pagiging albino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalalagas ang mga buhok ng lion sanhi ng leucism, at posibleng isa ito sa dahilan kaya nakabagsak ang mane ni Hang Hang.

Photo of Hang Hang

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame

Ang pambihirang lion species na kinabibilangan ni Hang Hang ay naging extinct na sa wild mula 1992 hanggang 2004. Kadalasan ay inaalagaan na lang sila sa zoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tulong ng Global White Lion Protection Trust, ang ganitong specie ng lion ay muling ibinalik sa kanilang natural habitat noong 2004.

Mayroon na ngayong tatlong lion prides sa mga kagubatan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon pa sa My Modern Met, masuwerte ang Guangzhou Zoo sa pagkakaroon ng katulad ni Hang Hang na nakakakuha ng sobrang attention dahil sa unique blond locks nito.

Read: Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang white lion na si Hang Hang ay isang atraksiyon sa Guangzhou Zoo dahil sa unique blond locks nito. May diskurso kung natural na bagsak at may bangs ang lion o ginupitan lang ng ito ng staff ng zoo. Sa tingin mo?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results