PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

“Unique idea”
by KC Cordero
Published Oct 3, 2023
The controversial tattoo
Naging viral ang video kung saan naglagay ng love bite ang girlfriend sa braso ng boyfriend at pagkatapos ay ipinagawang tattoo. “Cringe,” komento ng isang netizen.

Viral ngayon ang isang video kung saan ipina-tattoo ng isang lalaki ang kiss mark ng kanyang girlfriend.

To be more precise, it is a love bite o hickey, at sa mga Pinoy, chikinini.

Ang video ay ibinahagi sa Intagram ng user na may handle na @skytattoos111.

Nagsimula ang video sa paghalik at paglalagay ng girlfriend ng hickey sa kamay ng boyfriend.

Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion

GF executing the love bite

The love bite

Ni-recreate naman ng artist ang design bago mawala ang marka ng love bite.

Sabik at matiyaga namang naghintay ang girlfriend sa kalalabasan ng magiging tattoo.

The sweethearts

Naging bahagi ng artwork ang mga salitang “Peru” at ang petsang "16.9.23."

Tumutukoy ang Peru sa bansa kung saan naganap ang kiss mark na ginawang tattoo, at ang petsa (16.9.23 o September 16, 2023) kung kailan ito ginawa.

The result

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

Ang video ay agad nakakuha ng mahigit one million views at 566,469 likes.

Gayunpaman, sa kabila ng pagiging unique ng idea, iba’t iba ang naging reactions ng netizens.

Read: Toni Fowler reacts to KSMBPI "obscenity" charges

May mga namangha, mayroon din namang bumatikos.

Bulalas ng isang netizen, “Cringe!”

Biro naman ng isa patungkol sa boyfriend na nagpa-tattoo, “Now you will need 14 injections."

Dagdag ng isang nagkomento, "That's how I got rabies."

Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M

May mga nagtanong din kung paano na pag nasira ang relationship at nag-break ang magkasintahan.

Napag-alaman namang ang pagta-tattoo ng kiss mark ang specialty ng @skytattoos111, na siyang nag-upload ng video.

Marami na raw itong naging kliyente na kiss mark ang ipinapa-ink sa bahagi ng katawan—kadalasan ay sa leeg.

Read: Miss Universe Zimbabwe 2023 pageant draws flak for crowning white woman

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging viral ang video kung saan naglagay ng love bite ang girlfriend sa braso ng boyfriend at pagkatapos ay ipinagawang tattoo. “Cringe,” komento ng isang netizen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results