PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaking Tadtad at Kinabukasan sa Trabaho

Itinatago para hindi makita ng mga managers.
by KC Cordero
Published Oct 5, 2023
Photos of heavily tattooed Matthew Whelan
Malaki ang naging epekto kay Matthew Whelan ng kanyang “alternative look” sa professional life, maging sa love life.

Si Matthew Whelan, 43, ang itinuturing na "Britain's most tattooed man."

Ang 90 percent ng kanyang katawan ay tadtad ng kahanga-hangang tattoo artworks.

Kilala rin siya bilang “King of Ink Land.”

Nasa 300 na ang bilang ng kanyang tattoos.

Napag-alaman ding nasa US$40,000 (PHP 2,267,083.32) na ang nagagastos niya sa kanyang mga tattoo.

Isa sa mga striking body modifications ni William ang pagpapa-tattoo ng itim sa mga puti ng kanyang dalawang mata.

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

Photo of heavily tattooed Matthew Whelan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sports anchor Mikee Reyes laments stigma on tattooed people; recalls being rejected for a job because of his tattoos

Pero ayon kay Matthew sa artikulong inilathala ng news website na LAD Bible last September 24, 2023, malaki ang naging epekto ng kanyang “alternative look” sa professional life.

Nagtatrabaho siya bilang call-center agent, at nakakaranas daw siya ng diskriminasyon sa workplace.

Aniya, itinatago siya ng kanyang boss sa management kapag nasa trabaho siya.

Nabanggit na rin niya ang isyu na ito sa panayam sa kanya ng Daily Star noong 2022.

Aminado siyang nagkakaroon ng ultimate restrictions ang isang tao kapag pinili nito na maging kakaiba ang anyo.

Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho

Photo of heavily tattooed Matthew Whelan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso

Ani William, dahil sa kanyang mga tattoo, nahihirapan din siyang magkaroon ng kaibigan sa trabaho.

Madalas din siyang ilipat ng opisina, maging puwesto, lalo na kung may bibisitang mga matataas na opisyal ng kumpanya.

Sambit ni William, "The person they got to move was me.

“I got shifted from one end of the office down to the bottom when the managers come up."

Gayunpaman, sa kabila ng nararanasang discrimination sa workplace, nagkaroon si William ng mga acting gigs, at napabilang sa cast ng Doctors series ng BBC.

Read: Lotto bettor na tumaya habang may bagyo, PHP35M ang panalo!

Photo of heavily tattooed Matthew Whelan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

Iyon nga lang, na-typecast siya sa role na bilanggo.

“You are given normally a stereotypical role, usually prisoners.

“I was a prison prisoner with one of the main leads in, BBC Doctors, for example.”

Aminado siyang kung hindi dahil sa kanyang tattoo, hindi niya makukuha ang ganitong roles dahil hindi naman pang-bida ang kanyang hitsura.

Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho

Isa pang problema niya ay ang love life.

Nakikipaglapit lang umano sa kanya ang opposite sex para usisain ang kanyang body arts.

Pero laging hanggang ganoon lang at hindi umaabot sa mas malalim na pakikipagrelasyon.

“I have a very active social life. But I haven’t had much luck finding love.

“A lot of women are put off by my tattoos or it makes them really curious. I’m a bit like Marmite so you either like them or you don’t.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kabila ng kanyang mga nararanasan dahil sa mga tattoo, sinabi ni William na masaya siya bilang isang “living work of art.”

Read: Milk tea nag-viral dahil sa kakaibang plastic bag

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang naging epekto kay Matthew Whelan ng kanyang “alternative look” sa professional life, maging sa love life.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results