Sa emergency ng isang ospital humantong si Jennifer Eversole ng Santa Rosa, California, matapos niyang mapagkamalang eyedrops ang bote ng superglue.
Nangyari ang insidente noong June 2023, at ibinahagi ni Jennifer sa kanyang TikTok account ang kanyang mga pinagdaanan.
Aniya sa ini-upload na video clip, "Well, I've gone and done it.
“I just feel so stupid.”
Pag-amin pa ni Jennifer, “I have won the most idiot person award."
Kuwento niya, magkatabi lang ang kanyang eye drops at ang bote ng superglue.
“And they're the same size bottle and I wasn't paying attention.
“Now my eye's glued shut."
Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace

Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso
Pakiramdam umano niya ay parang nasusunog ang kanyang mga mata dahil napakainit sa pakiramdam ng superglue.
Agad naman niyang naipikit ang kanyang mga mata.
Hindi raw niya alam kung nakabuti o hindi na agad siyang pumikit, pero dahil doon ay hindi nakarating ang superglue sa kanyang eyeball.
“I don't know what would have happened. It could have been worse."
Pero dahil pumikit agad siya, nagdikit ang mga talukap ng kanyang mga mata kaya hindi siya makamulat.
Sa emergency ward, agad na nagsagawa ng first aid para maalis sa pagkakadikit ang talukap ng kanyang mga mata.
Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend
Kinailangan ding takpan ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyang gumaling.
Panandaliang lumabo ang kanyang vision.
Kuwento pa ni Jennifer, nangyari ang insidente dahil naitabi niya sa eye drops ang bote ng superglue, na ginamit niya sa artificial nails ng kanyang anak na babae.
Ang nakakatawa, aniya, bago nangyari ang insidente ay naisip pa niyang alisin ang bote ng superglue dahil baka nga mapagkamalan niyang bote iyon ng kanyang eye drops.
Sambit niya, “Which is exactly what happened."
Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike
Sa kanyang update sa insidente last June 7, sinabi ni Jennifer na sa huli niyang pagbisita sa ophthalmologist ay sinabihan siyang unti-unti na raw gumagaling ang kanyang mga mata.
Sa loob ng ilang araw ay babalik na raw sa 20/20 ang kanyang vision.
Ang ating mata ay delikadong malagyan ng nail glue, superglue, at eyelash glue dahil magiging iritable at magluluha.
Kung papasok naman sa loob ng mata, makakaapekto ito sa vision gaya nang nangyari kay Jennifer.
Kung mangyari ito sa inyo—aksidente man o sinadya—kailangan ang agarang medical attention para matiyak na hindi nito mapipinsala ang mga mata.
