PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paris sinalakay ng mga surot; itinuring itong national emergency

Paglaganap ng surot, ibinibintang sa mga turista
by KC Cordero
Published Oct 7, 2023
Photo of bedbugs being exterminated
Siniseryoso ng gobyerno ng France ang pagpuksa sa biglang pagdami ng surot sa Paris at iba pang siyudad dahil baka makasira sa image ng bansa, lalo pa at ang city ang host sa paparating na 2024 Summer Olympics.

Malaking balita ngayon sa buong mundo ang pagdagsa ng mga surot o bedbug sa Paris at iba pang lungsod sa France.

Naramdaman ang “pagsalakay” ng mga surot simula noong September 2023, at nagpapatuloy pa rin ito hanggang ngayon.

Nagkakaroon ng panic ang mga taga-Paris dahil sa “phenomenon” na ito lalo pa at papalapit na ang 2024 Olympics na doon gaganapin.

Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M

Photo of bedbug

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila ganito ang nagiging trend sa Paris every late summer sa France, at may paliwanag si Jean-Michel Berenger, isang entomologist at France's leading expert pagdating sa bedbugs.

Aniya, nagdadatingan ang mga turista sa Paris tuwing July at August, at dala-dala ng mga ito ang mga surot na posibleng nakakapit sa mga luggage.

Ang pangamba ni Berenger, "And each year, the seasonal increase is bigger than the last one."

Read: Miss Universe Zimbabwe 2023 pageant draws flak for crowning white woman

KUMAKALAT SA MGA SINEHAN AT TREN

Kinatatakutan ng mga taga-Paris na naninirahan sa mga flat ang mga surot. At ikinagagalit din nila na nagiging malaking problema nila ito.

May mga ulat na dumarami na rin ang mga surot sa mga sinehan. Claim ng ibang residente ay may nangangagat na rin maging sa mga upuan ng train.

Sineseryoso ng Paris City Hall at ng administrasyon ni French President Emmanuel Macron ang problema sa surot at gumagawa na ang mga ito ng hakbang para maapula ang mas lalong pagdami ng insekto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Meet Lola Maura Agripa: First EMBO centenarian na nakatanggap ng PHP100K gift

Photo of bedbugs

Kailangan kasi nilang protektahan ang image ng Paris bago sumapit ang 2024 Olympics.

Ayaw rin nilang ituring na ang bedbug panic ay bahagi lang ng social media invention.

Bukod kasi sa mga posts sa social media tungkol sa pagdami ng mga surot, naging malaking balita ito sa mainstream media, na naging dahilan para ituring ang sitwasyon bilang national emergency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naramdaman din ng mga may-ari ng sinehan na lumiit ang bilang ng mga nanonood—na bukod sa takot na makagat ng surot ay nangangamba rin na makapag-uwi nito mula sa kanilang inupuan.

Maging ang mga sumasakay sa tren ay sinisilip munang mabuti kung ang walang surot ang upholstery. Ang iba ay mas gustong nakatayo na lang.

Read: Milk tea nag-viral dahil sa kakaibang plastic bag

MGA TAGA-PARIS, NAPAPRANING SA SUROT

Ayon kay Berenger, iyon ang bagong elemento ng pagdami ng surot sa Paris ngayong taon—napapraning ang mga residente.

Aniya, bagaman at ang ibang ulat tungkol sa mga surot ay exaggerated, "It is a good thing in a way because it serves to make people aware of the problem, and the sooner you act against bedbugs, the better.”

Read: Sombrero ni Michael Jackson sa moonwalk dance nabenta for more than PHP4M

Paglilinaw pa niya, 20 or 30 years ago ay lumaganap na rin ang mga surot hindi lang sa France kundi sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sanhi aniya ito ng globalization kung saan laganap ang container trade, tourism and immigration.

Wala aniyang kinalaman sa pagdami ng surot ang climate change.

Paliwanag ni Berenger, ang surot ay domesticated creature. Kung nasaan ang tao, naroon ang surot—malamig, mainit o pabagu-bago man ang panahon.

Read: White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?

PAANO MAPUPUKSA ANG SUROT

Nang matapos ang World War II ay nabawasan ang populasyon ng mga surot dahil sa malawakang paggamit ng insecticide na DDT o Dichlorodiphenyltrichloroethane.

Makalipas ang ilang taon ay ipinagbawal ang paggamit ng DDT dahil sa epekto nito sa kalusugan ng mga tao. Nagiging sanhi ito ng breast cancer at dementia.

Photo of bedbug insecticide

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kasalukuyang populasyon ng mga surot ay mula sa mga nakaligtas sa DDT. Mas matibay ang mga ito, at hindi basta-basta namamatay sa insecticide.

Isa ring sanhi ng pagdami ng surot ay ang pagkaunti naman ng populasyon ng mga ipis dahil maraming bahay na ngayon ang malilinis.

Ang mga ipis ang itinuturing na predator ng surot.

Read: Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala

Nagpa-panic ang mga naninirahan sa developed countries kapag dumarami ang surot, pero ani Berenger, nawala na ang kanilang “collective memory” tungkol sa naturang insekto.

Sa ibang bahagi ng mundo ay karaniwan lang ang surot, at nagagawan nila ng paraan na mapuksa ang mga ito sa pamamagitan ng palagiang paglilinis sa mga upuan, higaan, kumot, at unan.

Sinabi rin ni Berenger na kahit nakakadiri ang kagat ng surot, hindi ito nagta-transmit ng sakit.

Photo of bedbug exterminator

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang payo niya para maiwasang kumalat ito, linisan agad ang afftected area.

May mga nagsasabing mabisa ang pag-i-steam o pagba-vacuum, maging ang paggamit ng alcohol na madaling matuyo.

Kapag sobrang infested naman ng surot ang isang bahay o anumang establishment, kailangan itong i-secure, lagyan ng mga trapal at saka sisimulan ang pag-e-exterminate.

Gumagamit din ng mga modernong equipment para matiyak na walang matitirang itlog ng surot sa gagawing proseso.

Read: Boss ng kumpanya, kinain ang sabon para patunayang all-natural ang ingredients nito

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siniseryoso ng gobyerno ng France ang pagpuksa sa biglang pagdami ng surot sa Paris at iba pang siyudad dahil baka makasira sa image ng bansa, lalo pa at ang city ang host sa paparating na 2024 Summer Olympics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results