Nagkasakit si Fernanda Silva Valoz da Cruz Pinto, 27, isang Brazilian citizen, noong August 3, 2023.
Nakaramdam umano ito ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagdurugo ng ilong, at hindi mapigilang paglalaway.
Isinugod si Fernanda sa ospital, pero wala nang nagawa ang mga doktor.
Pumanaw na siya kinabukasan.

Batay sa mga inisyal na impormasyon mula sa kanyang pamilya, sinabi umano ni Fernanda na nakatanggap ito ng chocolate candy mula sa isang manghuhulang may puwesto sa sentro ng Maceió City, Brazil.
Kilala ang sentro ng Maceió City bilang komunidad ng mga manghuhula.
Kinain ni Fernanda ang candy nang araw ring iyon, at doon na niya naramdaman ang mga sintomas ng pagkalason.
Ang nasabing manghuhula rin ang nag-predict na malapit nang mamatay si Fernanda matapos tingnan ang guhit ng kanyang palad, at ilang araw na lang ang ilalagi niya sa mundo.
Read: Resort worker in El Nido insists their guest is “Harry Potter”: “Umamin Po xa.”
BIKTIMA NALASON BATAY SA AUTOPSY
Ayon kay Fernanda sa ipinadalang text message sa isang kapamilya tungkol sa naging encounter sa manghuhula, “She was an old lady. I ate it [chocolate candy] because it was well sealed, right? But I’ve been feeling so weak since then.
“My heart is racing. I’ve thrown up. But I have this taste in my mouth. So bitter. Bad. My vision is blurry. I’m so weak.”

Dahil binanggit ng pamilya ni Fernanda sa mga doktor na tumingin sa kanya na mayroon siyang stomach ulcers at gastritis—na ang mga sintomas ay katulad ng sa isang nalason sa pagkain—ang inilagay na sanhi ng kanyang pagkamatay ay “yet to be clarified.”
Gayunpaman, lumabas sa resulta ng kanyang autopsy na namatay siya sa pagkakalason mula sa toxic substances gaya ng sulfotep at terbufos.
Ang mga kemikal na ito ay matatagpuan sa mga pesticides na ginagamit sa Brazil.
Read: Grade 5 student slapped by teacher suffered brain swelling; body of victim undergoes autopsy
PULISYA NAHIHIRAPAN SA IMBESTIGASYON
Dahil dito, ang kuwento ng pamilya ni Fernanda tungkol sa manghuhula na nagbigay sa kanya ng candy ay naging credible.
Matapos lumabas ang toxicology report noong last September 27, agad sinimulan ng pulisya ang imbestigasyon sa kakatwang kaso.
Gayunpaman, nahirapan ang mga awtoridad na maghanap ng mga bagong clue dahil malayo na ang naging pagitan mula sa pagkamatay ni Fernanda at sa pagsisimula ng imbestigasyon.
Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace
Ayon sa mga pulis na may hawak ng kaso sa panayam ng Brazilian media, ang pagiging “unusual” ng kaso ay nagpapahirap sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Dahil halos dalawang buwan na ang lumipas, ngayon lang nila nasilip ang scene of the crime.
Pinasalamatan naman ng pulisya ang pamilya ni Fernanda sa pagtulong na mabigyan ng linaw ang pagkamatay ng biktima.
Kung hindi umano nag-request ng toxicology tests ang pamilya bago inilibing si Fernanda, walang magiging imbestigasyon.
Read: Groom on his tragic wedding in Iraq that killed 95: “We’re dead inside.”
TEORYA MUNA ANG TUNGKOL SA MANGHUHULA
Tungkol naman sa manghuhula na nagbigay kay Fernanda ng chocolate candy at nag-predict na mamamatay siya, ayon sa pulisya ay mananatili munang isang theory iyon sa puntong ito ng imbestigasyon.
Aminado rin ang pulisya na nahihirapan silang tukuyin kung sino ang manghuhula.
Ang recorded footage sa CCTV surveillance systems sa area kung saan nagkita sina Fernanda at ang manghuhula ay burado na rin dahil dalawang buwan na ang nakaraan.
Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso
Wala rin silang makuhang saksi sa naging pagkikita sa fortune telling session nina Fernanda at ng manghuhula.
Dagdag pa rito, dahil naging mainit na isyu at laging laman ng Brazilian media, posibleng nagtago na ang manghuhula.
Tiniyak naman ng mga awtoridad na gagawin ang lahat ng paraan para masolusyunan ang kaso ni Fernanda sa kabila ng kawalan ng karagdagang impormasyon.

Para naman kay Lumenita Valoz, pinsan ni Fernanda, wala siyang alam na dahilan para magawa itong lasunin ng kung sino man.
Hindi umano ito mahilig sa mga party at gulo.
“I don’t see anyone having a reason to do this to her, but we don’t know anyone’s heart.
“If it was someone who ordered the killing or if the [fortune teller] killed her because she wanted to, only the police will find out.”
Ang higit na masakit, naulila ni Fernanda ang nine-year-old daughter nito na may special needs.
Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend
