Ang 23-year-old na si Nichola Kratka ng Los Angeles, California, USA, ay isang content creator at self-described “extreme eater.”
Mayroon siyang 6.1 million followers sa TikTok.
Madalas siyang namimingwit, at ang mga nahuhuli niyang seafood ang kanyang kinakain.

Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”
Kinukunan niya ng video kung paano niya kainin sa kakatwang paraan ang kanyang mga nabibingwit.
Last September 20, 2023, nag-post siya ng video sa kanyang TikTok at Instagram accounts kung saan kinain niya ang nahuli niyang bass.
Nang hiwain niya ang isda, nakita niyang infested iyon ng tapeworm.
Pero sa halip na itapon ay kinain pa rin niya iyon nang hilaw—although niluto naman niya ang ibang parts ng isda.
Aminado si Nichola na sadya niyang ginawa iyon sa pag-asang magiging viral ang kanyang video.
Alam din niyang malaki ang posibilidad na magkasakit siya dahil sa parasites na taglay ng isda.

Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata
Matapos kainin ang isda, hindi nagtagal, nakaramdam si Nichola ng pananakit ng tiyan.
Tinamaan din siya ng diarrhea, nahilo, nagsuka, at nanghina.
Sa tindi ng kanyang nararamdaman, napilitang magpadoktor si Nichola.
Nang medyo umayos na ang kanyang pakiramdam ay nag-post siya ng follow-up video sa kanyang TikTok account.
Pag-amin niya, “I’m an idiot. I’m not going to lie; this was totally my fault.”
Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace
Ibinahagi rin niya ang kanyang naging ordeal matapos kainin ang isdang infested ng tapeworm.
“I went to the doctor, and he said it is more than likely that I have tapeworm or some type of parasite inside me.
“I’m going to the bathroom non-stop; my stomach is killing me.”
Pero pagbibigay-linaw ni Nichola, “I have no regrets. I will continue extreme eating as long as I’m alive.”
Ipinagtapat din niya na binigyan siya ng doctor ng iba’t ibang deworming drugs.

Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso
Hindi raw kasi matiyak ng doctor kung anong uri ng worms ang kanyang kinain.
Babala pa ng doctor kay Nichola, may mga worms na nagiging sanhi ng seizures at pagkasira ng mga muscles.
May mga pagkakataon ding pumapasok ang worms sa mga mata ng pasyente at maging sa utak—na nagreresulta sa seryosong problema sa kalusugan.
Sa kabila ng nangyari sa kanya, na-achieve ni Nichola ang goal na maging viral ang kanyang TikTok video.
Pero hindi siya nakaligtas sa batikos ng netizens—na karamihan ay nagsabing ang content creator ay kulang sa common sense.
Kaya may nagpaalala sa kanya na magpakonsulta sa ibang doktor dahil “something is wrong” daw sa kanya.
Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend
