Kung pagmamasdan ang kalsada papunta sa Pandawa Beach sa Bali, Indonesia, parang hinati nito ang buong kapatagan.
Bagamat kamangha-manghang tingnan, naging mitsa ito ng mainitang pagtatalo sa social media.
May mga nagsasabing praktikal ang pagpapagawa ng kalsada, pero marami rin ang nangamba sa epekto ng imprastraktura sa local wildlife.
Ang Pandawa Beach ay picture perfect dahil sa taglay nitong pino at puting buhangin, pati na rin napakalinaw na tubig!
Malapit din ito sa pamosong Nusa Dua area at Uluwatu Temple.

Kaya ang nasabing beach ay naging isa sa most beautiful seaside destinations sa Bali, at ang kalsada ay naging isa na rin sa top tourist destinations sa isla.
Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money
PANDAWA BEACH NOON
Isang dekada na ang nakalilipas, mga local tourists lang ang nakakapunta sa Pandawa Beach.
Ang limestone cliffs ay hindi nasisilayan ng mga dayuhang turista dahil sobrang hirap lakbayin.
Para mas maging accessible, hinukay ang limestone cliffs, at gumawa ng kalsada,
Dahil dito, napahiwalay ang beach sa kabuuan ng isla.
Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”

Sinimulang gawin ang Pandawa Beach Road noong 2011.
Gumamit ng mga bulldozers at excavators para mahukay ang limestone landscape.
Ang pondo para sa proyekto ay nagmula sa Indonesian government at maging sa private investors.
Sinimulan itong gamitin noong 2013, at agad naging sikat sa mga dayuhang turista at maging sa mga locals.
Matapos ang inagurasyon sa naturang kalsada patungo sa Pandawa Beach, ang dating hindi nararating na destinasyon ay naging isang major tourist spot.
Mayroon itong 90-degree vertical cliffs sa magkabilang gilid.

Naging sobrang popular ang Pandawa Beach Road sa mga Instagram users na laging naghahanap ng eye-catching photos.
NAKASIRA SA KAPALIGIRAN O HINDI?
Naging viral ang mga larawan at videos ng Pandawa Beach Road sa Reddit, at nakakuha ng milyun-milyong views.
Gayunpaman, kahit napakaraming namamangha sa naturang kalsada, may mga nagsasabing hindi pinag-aralang mabuti ang pagpapagawa nito.
Sa halip umanong gumawa ng hukay, komento ng isang Reddit user, "Why not drive on top, then make a short ramp at the end. Seems very ridiculous."

Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata
Claim ng mga bumabatikos, dahil sa itinayong kalsada ay hindi na malayang nakakapaglakbay ang mga hayop sa kabuuan ng limestone plateau.
Ayon pa sa isang Reddit user, “And they cut the territory of so many animals in two, with no way to cross, idiots. Very good way to destroy nature."
Komento naman ng isa, kailangang magtayo ng tulay para makatawid ang mga hayop sa kabilang cliff.
May mga nagsabi ring napakadelikado kapag inabot ang kalsada ng malakas na lindol o kaya ay bagyo.
Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace
Depensa naman ng mga pabor sa project, hindi na ganoon karami ang mga hayop sa area.
Hindi rin umano nagiging problema sa tao man o sa hayop ang itinayong kalsada.
Argumento ng isang user, "The wild animals aren't really in those areas anymore. I'm not defending the environmental destruction, but in terms of what's scared off the local fauna, that happened many moons ago."
Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso
KALSADA GINAWA PARA MAIHATID SA BEACH ANG MGA TURISTA
Mula sa mga nakarating na sa Pandawa Beach Road, huwag daw agad husgahan ang pagkakagawa sa kalsada nang dahil lang sa litrato.
“There are paths and narrow ramps from the cliffs to the beach and the true use of the road isn't explained.”
Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend
Paglilinaw nito, "The man-made canyon road was built, so big buses could get tourists into a massive beachfront resort.
“A bus ramp from the cliff down direct to the resort wouldn't have been easy as even if the original owners wanted to sell [and why would you, you're sitting on a tourist gold mine!].
Dagdag pa nito, “If it's foreign investors, they could only legally sell in 40 year blocks, so, tearing down the cliff wouldn't fit in that scheme.
"Therefore it's only feasible to just build up an existing scooter road or pathway."
Nagkasundo naman ang mga nagpapalitan ng opinyon na ang Pandawa Beach Road ay “absolutely stunning view.”
Read: Lotto bettor na tumaya habang may bagyo, PHP35M ang panalo!
