PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

Pero nabubuhay siya dahil sa tulong ng mga kapitbahay na...babae.
by KC Cordero
Published Oct 18, 2023
Photo of Callitxe Nzamwita
Hindi lumalapit at lalong ayaw makipag-usap ni Callitxe Nzamwita sa mga babae dahil sa laki ng takot niya sa mga ito. Ang kakatwa, hindi siya lumalabas ng bahay niyang may mataas na bakod, pero nakaka-survive siya dahil sa mga pagkain at damit na hinahagis mga babae.

African Callitxe Nzamwita, 71, has been living in isolation for 55 years.

Ang bahay niya ay pinalibutan ng bakod na may taas na 15 talampakan.

Ang dahilan: ayaw niyang makakita ng mga babae, at lalong takot siyang makipag-usap sa mga ito.

Sa ulat ng mimimefoinfos, isang Cameroon and African news website, noong September 13, 2023, natuklasan umano ni Callitxe ang kanyang sobrang takot sa mga babae noong siya ay 16 years old.

Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan

Photo of Callitxe Nzamwita

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali

At dahil isolated ang kanyang tirahan. hindi rin siya lumalabas para makisalamuha kahit sa mga kapwa lalaki.

Napabalita ang kakatwang kuwento ni Callitxe noong August 2023 nang i-feature siya ng Afrimax, isang African media company.

Nag-post ang Afrimax ng mini-documentary tungkol sa kanya, at naging viral iyon.

Sa nasabing panayam ay binanggit ni Callitxe na, “I don’t want women around me because they terrify me.

“I lock myself in here and have a fence around my house to ensure women will not come closer to me.”

Read: Meet Bryan Kim Gonzales Deleon: Ang masikap na “popcorn boy” ng Cagayan

Photo of Callitxe Nzamwita

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

How does he survive?

Isang teenager na babae na nakatira malapit sa bahay ni Callitxe ang nagkuwento na, “I have known him to stay inside the house since I was a kid.

“It seems impossible to see him going out because he is really scared of women.”

Interestingly, tinutulungan si Callitxe ng mga kababaihan sa kanilang komunidad.

Hinahagisan siya ng mga ito ng pagkain at damit sa kanyang nakasaradong bakuran.

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

Ang kuwento ng isa pa niyang kapitbahay na babae, “Strangely, even though he fears women, we are the ones who help him get food and some things he needs.

“When you try to help him, he doesn’t want us to come close or talk to him. Instead, we give him things by tossing them into his house, and then he comes and picks them up.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“He doesn’t let us get close to him, but he still takes what we offer from a distance.”

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Photo of Callitxe Nzamwita

Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

Bagaman at hindi pa actual na nada-diagnose, sinabi sa documentary na posibleng dumaranas si Callitxe ng tinatawag na “gynophobia,” isang very rare condition na isinasalarawan bilang “morbid and irrational fear of women.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong klase ng phobia ay posibleng dahil sa bad experiences sa mga babae, gaya ng mental o kaya ay physical abuse, pagpapabaya, rape, physical assault, at sexual harassment.

Hindi naman nabanggit ng African media kung may iba pang kapamilya si Callitxe.

Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi lumalapit at lalong ayaw makipag-usap ni Callitxe Nzamwita sa mga babae dahil sa laki ng takot niya sa mga ito. Ang kakatwa, hindi siya lumalabas ng bahay niyang may mataas na bakod, pero nakaka-survive siya dahil sa mga pagkain at damit na hinahagis mga babae.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results