Estudyante si Esha Patel, 19, ng Cardiff University sa Cardfif, Wales.
Naninirahan siya sa Chelthenham, England.
Nitong October 8, 2023, sumama siya sa kanyang ama para mamingwit ng isda.
Habang nasa ilog, nakakita siya ng tatlong usa.
Gayon na lang ang pagkagulat niya nang mapansing ang isa sa tatlong usa ay pure white ang kulay.
Ayon kay Esha, sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakita ng ng usa na sobrang puti.
“We have never seen one before.
"The white one came so close—only three meters away! It was beautiful and so cute."
Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan
Kinunan niya ng video ang white deer—na curious ding nakatingin sa kanya.
Sa video clip, payapang nakatayo lang ang white deer sa patio na napapaligiran ng mga puno.
Lumapit ito sa camera bago nag-amuy-amoy sa mga damo sa lupa.
Payapa rin itong tumalikod at naglakad palayo.
Tinawag niya ang kanyang ama at sinabi rito ang kanyang kamangha-manghang nakita.
Maging ito ay nagulat sa nasaksihan.
Tanong pa ng kanyang ama, “Are you sure it was a deer and not a goat?”
Itinuro ni Esha sa ama ang kasama ng white deer na dalawa pang kapwa usa na hindi naman puti ang kulay kundi ang karaniwan na brown.
Biro niya sa sarili, "Apparently, it’s really good luck to see them, so I was going to buy a lottery ticket."
Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali

Read: Meet Bryan Kim Gonzales Deleon: Ang masikap na “popcorn boy” ng Cagayan
Pagsasalarawan pa ni Esha sa naging experience nang nakaharap ang white deer, “Breathtaking.”
Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay ilang beses din niyang pinanood ang nakuhang video para matiyak na totoo ngang usa ito.
Tiniyak naman ng UK media na usa nga ang nasa video.
Ayon sa ulat ng SWNS, isang British news and media company, na nag-upload ng video ni Esha, ang white deer ay karaniwang bahagi ng fallow deer—ang species ng usa na matatagpuan sa Europe na may iba’t ibang kulay, kabilang ang white.
At ang namataan ni Esha sa UK ay "extremely rare."
Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral
Ayon naman kay Esha, sana ay huwag hulihin at ibenta ang nakita niyang usa.
“Putting a price on a special deer like this one is impossible to do.
"I do think these beautiful animals should be protected and loved."
Ayon naman sa North Carolina Wildlife Resources Commission, ang nakita ni Esha na white deer ay may condition na tinatawag na “albinism.”
Kulang umano ito sa color pigmentation kaya purong puti ang balat.
Pink naman ang mga mata nito, ang ilong, at ang mga kuko (hooves).
Iniulat din ng NCWR sa website nito na sa 30,000 deer, isa lang sa mga ito ang posibleng maging kulay puti.
