PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Super creative!
by KC Cordero
Published Oct 23, 2023
Photos of manholes with artworks
Naging work of art ang mga takip ng manhole. Kapag naluma na, binibili ng mga art collectors.

Ibinibenta ngayon sa Kyoto, Japan ang mga lumang takip ng manhole na nilagyan ng artworks.

Ang mga lumang manhole ay ginawa noon pang 1978, 1981, at 1990.

May timbang ang bawat isa na 90 kilograms.

Nagkakahalaga ang bawat piraso ng US$20 o PHP1,134.02.

Murang-mura ito para sa mga art collectors.

Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

Photo of manhole with artworks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Board passer Ryan Hernandez: “Let me be the inspiration para sa mga tamad, gala at eme-eme nung college.”

Ang artistic manhole covers ay napapalamutian ng makukulay na illustrations—mula sa local landmarks, mga mamamayan ng Japan, mga selebrasyon, pati na rin flora and fauna.

Updated rin ito sa pop culture kaya naman tampok sa ilang disenyo ang mga Pokémon characters.

Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

Photo of manhole with artworks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

Unang inianunsiyo ang pagbebenta ng 10 lumang takip ng manhole noong 2017 sa eastern city ng Maebashi.

Agad itong nagkaroon ng 200 potential buyers—na ang iba ay hindi naninirahan sa Maebashi.

Ang mga takip ng manhole na ibinenta noon ay wala pang artworks.

Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan

Ang Tokorozawa, isang siyudad sa north of Tokyo, ang unang nakaisip na lagyan ng artworks ang mga takip ng manhole noong 2018.

Inimbitahan nito ang mga kumpanya na mag-advertise at gagamitin ang manhole covers bilang platform.

Nakatulong ang revenue mula rito sa maintenance ng sewage system.

Naging popular ang mga disenyo sa takip ng manhole sa 47 prefectures ng Japan.

Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali

Photo of manhole with artworks

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Meet Bryan Kim Gonzales Deleon: Ang masikap na “popcorn boy” ng Cagayan

Ginamit naman ang mga disenyong ito noong 2021 sa collectible cards, key rings, coasters, T-shirts, at tote bags na ibinibenta ng apparel brand na Japan Underground.

Patok din ang manhole covers sa mga mahilig mag-post ng photos sa Instagram. Paborito nilang spot ang may Pokemon art.

Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

Photo of manhole with artworks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

Ang manhole cover sa Japan na nakakabit sa mga kalsada ay may service life na 15 years.

Tumatagal naman ng 30 years ang mga nasa bangketa.

Sa Kyoto pa lang, nasa 1,500 manhole covers na ang pinapalitan kada taon.

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Photos of manholes with artworks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

Ayon sa sewerage bureau ng lungsod, patuloy itong naghahanap ng buyers ng mga lumang manhole covers.

Magaganda naman talaga ang artworks, masyado nga lang mabigat, kaya para mai-display, kailangan nito ng custom-made stand.

Ang mga collectors ng ganitong artworks ay tinatawag sa Japan na “manholers.”

Nagdaraos sila ng manhole summit taun-taon para palaganapin ang pagkokolekta ng artistic manhole covers.

Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging work of art ang mga takip ng manhole. Kapag naluma na, binibili ng mga art collectors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results