PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bata nilusob ng oso, nakipagtitigan at naging kalmado; ligtas kaya?

Ano ang tamang gawin sa ganitong sitwasyon?
by Bernie V. Franco
Published Oct 24, 2023
black bear
Naglalaro ng scooter ang 7 anyos na si Huxley Hardy nang biglang nakita niya ang papalusob na oso. Nakaligtas kaya ang bata?
PHOTO/S: Pete Nuij via Unsplash / YouTube (Inside Edition)

Nahagip ng CCTV ang isang makapigil-hiningang eksena: akmang lulusubin ng malaking itim na oso ang seven-year-old kid na naglalaro sakay ng kanyang scooter.

Ayon sa ulat ng ulat ng Inside Edition, walang ibang tao sa paligid.

Sa simula, nakamasid lang ang oso, then bigla na lang tumakbo ito sa kinaroroonan ng bata.

Sa halip na kumaripas ng takbo, hindi gumalaw ang bata at tinitigan nito ang lumulusob na wild animal.

Ilang talampakan bago madakma ang bata, tumigil ang oso at tila nakiramdam kung ano ang susunod nitong gagawin.

Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

bear and kid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The black bear seems to aggresively approach seven-year-old Huxley Hardy

Akmang lalapit uli ang oso sa bata nang biglang lumitaw sa camera ang isang lalaki na kapitbahay pala ng bata.

Itinaas ng lalaki ang mga magkabilang braso nito palapit sa oso na kumaripas naman ng takbo at nagtago sa malapit na kotse.

Makikita ang bata na pinaandar ang kanyang scooter at umalis na tila walang nangyari.

Saglit na nagpatintero ang lalaki sa osong nagtatago sa kotse bago ito kumaripas ng takbo palayo.

bear

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The boy's neighbor appears to help the kid escape

bear

The bear runs away after being chased away by the boy's neighbor

Kinilala ang bata bilang si Huxley Hardy, at nangyari ang insidente sa British Columbia, Canada.

Ibinahagi ng ina ng bata na si Britney kung ano ang itinuro nila sa kanilang anak sa ganoong sitwasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Britney, "We’ve had conversations about being aware, 'Hey, be aware of your surroundings, and if there is a bear and you're not with an adult, be calm.'"

Sinabi sa report na ang payo naman ng life experts sa ganitong sitwasyon ay "staying calm and looking big and overpowering are key responses confronting a bear in outdoors."

Sabi pa ng ina ng bata, "I think most adults in that moment would have perhaps panic or run away, or not everybody knows what to do, so I'm super proud of him."

Tama ang reaksiyon ni Huxley at ng kapitbahay nito nang makita nila ang oso.

Stay still and don't make any noise. Kelangang maramdaman ng wild animal na hindi ka threat sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglalaro ng scooter ang 7 anyos na si Huxley Hardy nang biglang nakita niya ang papalusob na oso. Nakaligtas kaya ang bata?
PHOTO/S: Pete Nuij via Unsplash / YouTube (Inside Edition)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results