PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Babaeng Iniwan Ng Ka-Date Matapos Umubos ng 48 Talaba

Netizens, mas kinampihan ang ka-date.
by KC Cordero
Published Oct 25, 2023
Photo of oysters
Ang usapan pala ng dalawa ay iinom lang sa bar, pero nasarapan sa talaba at iba pang pagkain ang babae kaya naparami ang order. Iniwan tuloy siya ng ka-date.

Masaklap ang naging resulta ng first date ng TikTok user na may handle na EquanaB.

Pagbabahagi niya sa TikTok noong October 11, 2023, pumayag siya sa paanyaya ng ka-date “for a drink” sa Fontaine’s Oyster Bar sa Atlanta, USA.

Ilang linggo rin ang pagte-text sa kanya ng lalaki until nagdesisyon silang mag-meet for the first time.

Pagdating sa Fontaine, dahil napakasarap ng oyster o talaba sa nasabing bar, hindi napigilan ni EquanaB na mag-order nito.

Ini-record pa niya kung paano siya humigop ng talaba.

Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

The price of oysters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan

Aniya sa ini-upload na video, "It was so good. I was not expecting it to be that good."

Tinitimplahan pa ng babae ng lemon at hot sauce ang mga talaba

Sa kabuuan, naka-order siya ng 48 piraso—at siya lahat ang kumain.

Kuwento ni EquanaB, nang ihatid ng waiter ang ikaapat na tray ng talaba ay masama na ang tingin sa kanya ng ka-date.

Pero hindi umano niya iyon pinansin.

Katwiran niya, "I didn’t give a f—. I’m like, ‘Baby, you invited me out. I’m gonna eat.’”

Bukod sa masarap na talaba, nag-order pa si EquanaB ng crab cakes and a side of potatoes.

Palatak niya, "Everything was so good."

Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali

Photo of crab cake and potatoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali

Pagkatapos kumain ng babae, nagpaalam ang kanyang ka-date na pupunta lang sandali sa bathroom.

Pero nakalipas na ang 30 minuto ay hindi pa bumabalik ang lalaki.

Na-realize ni EquanaB na tinakbuhan na siya nito, at ayaw bayaran ang kanyang mga kinain.

Ang ending: solo siyang nagbayad.

Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

The bill

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

Matapos magbayad ay nag-text siya sa tumakas na ka-date para sabihing bulok ang style nito.

Mensahe ni EquanaB sa lalaki, "Running out on a tab is crazyyy."

Ang reply nito sa kanya, "I offered to take you out for drinks, and you ordered all that food.”

Hindi naman pala ito total tightwad dahil sabi pa nito kay EquanaB, “I can cashapp the total for the drinks."

Hindi na sinabi ni EquanaB kung tinanggap niya ang offer ng ka-date na bayaran nito ang kanyang mga nainom na alak.

Ang video ay nakakuha na ng mahigit five million views.

Marami naman sa nagkomento ang mas kumampi sa naka-date ni EquanaB.

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Photo of oysters

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

Sambit ng isa, hindi nito kinaya na nagawa pang mag-order ni EquanaB ng ibang pagkain matapos maubos ang 48 talaba.

Pagtatanggol din sa lalaki ng isa pang nagkomento, malinaw at literal na ang sinabi nito ay magkikita sila para uminom, pero hinigop umano ni EquanaB ang kalahati ng karagatan.

Read: PHP128K controversial coat ni Chot Reyes, naka-display na sa FIBA Museum

Komento naman ng isa, sa tunog pa lang ng paghigop ni EquanaB sa talaba, kung siya ang ka-date nito, doon pa lang ay iiwan na niya ito.

"I could barely listen to you slurping, so I can imagine how bad it was to actually watch it."

Sa video ni EquanaB ay sinabi niya na US$15 o PHP 851.39 ang isang dosenang talaba.

Dahil nakaapat na dosena siya, gumastos siya ng PHP 3,405.54. Hindi pa kasama rito ang para sa drinks at crab cakes and a side of potatoes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang usapan pala ng dalawa ay iinom lang sa bar, pero nasarapan sa talaba at iba pang pagkain ang babae kaya naparami ang order. Iniwan tuloy siya ng ka-date.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results