PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer, 53, Marries 22-y/o Fan Amid Criticism

“Our marriage is on a completely different level.”
by KC Cordero
Published Oct 26, 2023
Photo of the newlyweds
Naging malaking eskandalo sa Tatarstan ang pagpapakasal ng 53 anyos na singer na si Aisylu Chizhevskaya-Mingalim (R) sa kanyang 22 anyos na ampon na si Daniel. Maging ang gobyerno ay hindi ito nagustuhan at binawi ang iba pang ampon ng singer.

Naging isang malaking eskandalo sa Tatarstan, isang republika na bahagi ng Russian Federation, ang pagpapakasal ni Aisylu Chizhevskaya-Mingalim, 53, isa sa tanyag na musician sa nasabing bansa.

Ang pinakasalan kasi ni Aisylu ay ang 22-year-old na si Daniel.

Bukod sa laki ng agwat ng kanilang edad, si Daniel ay ampon ni Aisylu.

Sa loob ng walong taon, siya ang nagpalaki at nag-aruga sa ngayon ay asawa na niya.

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

Photo of the newlyweds

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Noong 2014, habang nagtuturo si Aisylu ng music sa mga bahay-ampunan sa Kazan ay nakilala niya si Daniel na noon ay 13 years old pa lang.

May passion at talento rin si Daniel sa music kaya naging close sila.

Sumali rin si Daniel sa ilang reality shows, gaya ng “You’re Super!” project.

Naka-duet din nito ang sikat na Russian singer na si Filip Kirkorov.

Noong 14 years old na si Daniel, naging foster child ito ni Aisylu. Sa bahay na niya tumira ang binatilyo.

Niyanig naman nila ang mundo noong October 20, 2023, nang legally ay magpakasal ang dalawa.

Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?

AISYLU ITINURING NA PAMBANSANG KAHIHIYAN

Ayon kay Aisylu, hindi lubos na nauunawaan ng mga tao ang kanilang sitwasyon ni Daniel.

Pahayag niya sa Russian media, “Our marriage is on a completely different level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“A family united by creativity cannot be destroyed.”

Photo of the newlyweds

Hindi naman katanggap-tanggap para sa mga taga-Tatarstan ang pagpapakasal ng dalawa.

Marami ang nagsabing isang kahihiyan si Aisylu sa kanilang bansa.

Maging ang mga nasa gobyerno ay ikinagalit ang pagpapakasal ng dalawa.

Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DANIEL INIWAS NI AISYLU SA GIYERA

Ipinaliwanag ni Aisylu na matagal nang natitsismis ang relasyon nila ni Daniel.

Nagdesisyon silang tuluyan nang ilantad ito sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Pagbabahagi pa niya, iba kaysa karaniwang pag-iisang dibdib ang namamagitan sa kanila ng ampon na ngayon ay mister na niya.

Bagaman aniya ay totoo o legal ang kanilang kasal, ito ay “spiritual in nature” at hindi dahil sa pisikal na aspeto gaya nang iniisip ng iba.

Read: 143 sites sa Luzon, itinayo para gunitain ang pamilya Marcos—UP study

Photo of the newlyweds

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Natatakot umano siyang mapahamak si Daniel kaya niya ito pinakasalan.

Nasa edad na kasi ito para tawagin ng gobyerno at gawing sundalo.

“He was created for music, not for war, but, at the same time, he is at the age when young men should take up arms.”

Nagkonsulta umano siya sa mga nakakaalam kung paano makakaiwas si Daniel sa pagiging sundalo at para hindi maisabak sa giyera.

“They suggested this move to me–to marry him. In an informal conversation, of course.”

Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

COUPLE PLANONG MANGIBANG BANSA

Dahil sa eskandalo, ang iba pang mga ampon ni Aisylu na menor de edad pa ay kinuha ng gobyerno at pansamantalang dinala sa mga bahay-ampunan sa Kazan.

Ginagawan naman ng paraan ng singer na mabawi ang kanyang mga ampon.

Napag-alaman ding may isang biological son si Aisylu, pero wala siyang ibinigay na detalye tungkol sa tunay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sakali namang mabawi niya ang mga ampon, plano ng singer at ni Daniel na lumipat sa Moscow kung saan magbabakasakali silang mamuhay nang malaya at walang pangungutya.

Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging malaking eskandalo sa Tatarstan ang pagpapakasal ng 53 anyos na singer na si Aisylu Chizhevskaya-Mingalim (R) sa kanyang 22 anyos na ampon na si Daniel. Maging ang gobyerno ay hindi ito nagustuhan at binawi ang iba pang ampon ng singer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results