PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority

Detalyado ang mga kailangang gamot at kung gaano karami
by KC Cordero
Published Oct 27, 2023
Photo of the note and medicines
Hindi pera kundi Viagra at iba pang gamot ang demand ng lalaking nangholdap sa isang botika. Idineklara nito ang holdap sa pamamagitan ng note na iniabot sa pharmacist.

Isang lalaki ang nagnakaw sa isang botika at nag-demand ng Viagra at iba pang prescription drugs.

Imbes na puntiryahin ang cash register, nag-abot ang holdaper ng nilamukos na papel sa isang empleyado ng botika.

Ang lalaking nagholdap ay si Thomas Mues, 23, residente ng Florida, USA.

Ayon sa ulat ng Orlando Police Department, naganap ang krimen noong October 21, 2023.

Pumasok si Thomas sa botika at iniabot ang handwritten note sa isang pharmacist ng CVS Store.

Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K

Photo of the suspect

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos

Ipinaalam ni Thomas sa note na may baril siya, at babarilin niya ang mga empleyado kung hindi siya bibigyan ng mga gamot na nasa kanyang listahan.

Ang nilalaman ng note niya na nakasulat sa piraso ng papel, published as is: "THIS IS A ARMED Robbery, Please cooperate; I don't want to hurt you. You are not to alarm anybody, or I will shoot the closest person to me! Please follow these directions or I will shoot the closest person to me."

Nakasulat din ang “BAG THE FOLLOWING” at inilista niya ang mga gamot na kailangang ibigay sa kanya ang lahat ng nasa bote gaya ng Oxycodone, Hydrocodone, Xanax, Adderall, liquid Codeine at Viagra.

Tinapos niya ang mensahe sa: “When finished, place note in bag and lay down or I will shoot.”

Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of the note

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

Sinabi ng empleyadong pinag-abutan ni Thomas ng note na tuwing tatanungin ito kung ano ang bibilhing gamot, ang laging sagot ay basahin ang nakasulat sa papel.

Nagtaka ang empleyado kung bakit kailangan pang isulat ng lalaki ang mga gusto nitong gamot, yun pala, nanghoholdap ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sobrang detalyado rin ng mensahe niya na nakasulat sa papel.

Batay sa social media post ng Orlando Police last October 24, dumating ang mga nagrespondeng pulis sa botika nang papalabas na si Thomas.

Nagtangkang tumakbo ito, pero matapos ang maikling habulan ay agad din siyang nahuli ng mga pulis, habang gawak-hawak pa niya ang mga gamot, maging ang kanyang handwritten note.

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Photo of the medicines

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?

Sa imbestigasyon ay inamin ni Thomas na mula sa Jacksonville ay nagbiyahe siya papuntang Orlando para isagawa ang krimen.

Aminado rin siyang ginawa niya ang katulad na krimen sa isang botika sa Central Florida.

Ayon naman sa mga nakasaksi sa krimen, habang nasa botika ay nasa bulsa ang mga kamay ni Thomas. Wala naman silang nakitang baril.

Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren

Sinabi ng pulisya na gumawa na ng apology letter ang kriminal.

Ayon sa apology letter ni Thomas, wala siyang intensiyon na saktan ang mga empleyado ng botika, at wala rin siyang armas.

Dagdag pa niya, “I know this may have been traumatizing for everybody inside and I just wanted to apologize and let it be known that I will be helping bring it to an end.”

Nahaharap ngayon si Thomas sa iba’t ibang kaso, at kasalukuyang nakakulong sa Orange County Jail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pera kundi Viagra at iba pang gamot ang demand ng lalaking nangholdap sa isang botika. Idineklara nito ang holdap sa pamamagitan ng note na iniabot sa pharmacist.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results