Tiniyak ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades Robles na matatanggap na ng lotto winner na naplantsa ang winning ticket na makukuha nito ang napanalunan na PHP12 milyon sa Lotto 6/42.
Kasunod ito ng inilabas na 17-pahinang desisyon ng Supreme Court na nag-uutos sa PCSO na ibigay sa bettor ang premyo.
Lumabas ang desisyon noong March 13, 2023, at ini-upload sa official website ng SC noong September 27, 2023.
Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M
Sa news bulletin ng PCSO na ini-upload sa official website ng ahensya last October 25, 2023, sinabi ni Robles na, “I assured him [lotto winner] that I will expedite the process of his claim. Kailangan lang may certificate of finality from SC.
“I will make sure that he enjoys the fruits of his winnings ASAP. I wanted to put a closure on this issue.”
Kalakip ng bulletin ang larawan ni Robles at ni Antonio Mendoza, ang lotto winner. Kasama rin sa larawan ang maybahay ni Antonio.
Read: Lotto winner finds out he won PHP77M via Facebook

Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display
Kung matatandaan, noong October 2, 2014 ay tumaya si Antonio ng tatlong lucky pick para sa Lotto 6/42 sa Batangas.
Isa sa mga kumbinasyon ang nanalo ng jackpot prize, pero nalukot ng kanyang apo ang ticket.
Ang ginawa ng kanyang anak na babae ay inunat ang ticket sa pamamagitan ng plantsa.
Kahit may nakapatong na tela sa ticket ay nasunog ang bahagi nito at nabura ang ilang detalye na required ng PCSO para ma-claim ang premyo.
Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date
Nagpunta si Antonio noong October 5, 2014 sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City at nagsumite ng handwritten account ng mga pangyayari sa legal department ng ahensya.
Pero dahil hindi ma-validate ang nasunog na ticket, sinabi kay Antonio ng ahensya noong October 20, 2014 na hindi niya maaaring i-claim ang premyo.
Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority
Batay ito sa umiiral na kondisyon ng PCSO pagdating sa claiming/payment of winnings na nagsasad na: "Prizes shall be paid to the holder of share/s of a winning ticket upon presentation and surrender of the same, provided that the ticket/s is/are free from any mutilation, erasure or stain, making any number/s therein illegible, and provided further that no court injunction restraining the PCSO to pay is received before payment."
Dahil dito, dumulog si Antonio sa SC, at makalipas ang siyam na taon, pinaboran siya ng korte.
Ayon sa SC, ang mga sirkumstansya na nakapaloob sa katotohanan na nanalo si Antonio ay malinaw na naipakita.
Katanggap-tanggap din ayon sa SC ang mga testimonya ng pamilya ni Antonio.
Kapag nakumpleto na ang mga kinakailangang proseso, makukuha na niya ang kanyang premyo.
Iniutos din ng SC sa PCSO “to pay legal interest of six percent per annum from the date of finality of the decision.”
Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K

Nang unang lumabas ang balitang hindi niya makukuha ang premyo, inamin ni Antonio na nawalan na siya ng pag-asa.
Nabuhayan lang umano siya ng loob nang mismong Supreme Court na ang nagbigay ng desisyon ukol dito.
Noong 2020 ay nagtrabaho bilang factory worker ang isa niyang anak para makatulong sa kanilang pamilya.
Nagbalik din si Antonio sa Africa para magtrabaho bilang consultant sa isang power plant.
Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos
