Isang kakaibang twist sa krimen ang ibinahagi ni Police Colonel Jaime Santos ng Las Piñas City Police Station nitong Linggo ng umaga, October 29, 2023.
Sa pamamagitan ng Facebook Live, iniharap ng opisyal sa publiko ang isang Mark Russel Zapata.
Paglilinaw ni Santos, “Hindi po siya suspek.”
Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority
Ayon umano sa salaysay ni Mark, bandang alas siyete ng umaga sa may Alabang-Zapote Road, na-snatch ang kanyang cellphone.
Nagkakahalaga ang kanyang unit ng PHP10,000.
Pagbabahagi ni Santos, “Pagka-snatch sa kanyang cellphone, siya po ay nakipagbuno sa snatcher na may dala-dalang motor.
“Nang maagaw po yung cellphone niya, tumakbo po yung snatcher.”
Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

Read: Beer tank ng malaking beer company, inihian ng empleyado?
Bahagyang natatawang pagpapatuloy ni Santos, “Pagtakbo po ng snatcher, naagaw naman niya ang susi ng motor nito. At itinakbo naman niya ang motor ng snatcher.”
Sambit pa ng opisyal, “Yan po ang problema na tinatahak namin ngayon.
“Napakapambihira po ng kaso na ito dahil ito ay nangyayari lamang sa TikTok.”
Ang tinutukoy ng opisyal ay ang mga scripted videos kung saan matapos bumaba sa motor ng snatcher para holdapin ang biktima, nagagawa naman ng huli na makasakay sa motor ng kriminal at itakas iyon.
Tanong pa nito kay Mark, “Nanonood ka ba ng TikTok?”
Umoo naman ang complainant.
Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?
Ani Santos, dahil napapanood ni Mark ang mga ganoong video, alam nito ang magiging diskarte sa sitwasyon.
“Nakipagbuno siya sa snatcher, tumakbo ang snatcher dala ang cellphone niya.
“Samantalang siya, nakuha naman niya ang susi. Sinakyan niya ang motor at itinakbo niya, siyempre.
“Yung cellphone niya, itinakbo ng snatcher. Yung motor, itinakbo niya rito [sa presinto].
Nagtawanan ang mga nasa harapan ni Santos.
Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

Read: Man proven innocent & freed after 16 years, fatally shot in brawl with police for overspeeding
At natatawa ring pagpapatuloy ng opisyal, “Kaya ito po ay ipa-follow up. Bagama’t natatawa kami pare-pareho, ang aming imbestigador ay pupunta sa Bacoor.
“Kasi naiwan po yung ID ng pinaghihinalaan niyang nang-snatch na taga-Bacoor.”
Ani Santos, kaya siya nag-live sa Facebook ay para makita ng publiko na ang mga viral scripted videos ay nagkakatotoo rin pala kung minsan.
Tawang-tawa rin ang netizens sa nangyari.
Marami ang sumaludo kay Mark sa katapangan at naging diskarte.
Biro pa ng iba, mas mataas ang presyo ng na-swap niya kaya abonado pa ang snatcher.
Read: Meet Bryan Kim Gonzales Deleon: Ang masikap na “popcorn boy” ng Cagayan
