Hindi pinagbigyan ng Supreme Court (SC) ng India ang hiling ng 89-year-old na si Nirmal Singh Panesar na idiborsyo ang kanyang misis na si Paramjit Kaur Panesar, 82.
Si Nirmal ay isang retired Air Force Officer at qualified doctor, samantalang isang retired teacher naman ang kanyang misis.
Ikinasal sila noong 1963.
Read: In remembrance: Sad reason why Matthew Perry broke up with Julia Roberts
Nagkaroon sila ng tatlong anak; dalawang babae at isang lalaki.
Halos 40 years nang hindi nagsasama ang dalawa.
Twenty-seven years na ring tinatangka ni Nirmal na idiborsyo si Paramjit.
Ngunit nitong October 2023, na-dismiss nang tuluyan ng SC ang kanyang kahilingan.
Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health
DIVORCE IN INDIA
Sa ilalim ng Hindu Law, taboo ang divorce sa India.
For the longest time, isa ito sa mga bansa kung saan ang legal annulment ng marriage ay pinagbibigyan sa mga kaso na may “clear proof of violence or cruelty by one of the spouses.”
Karamihan sa Indian couples ay nananatili sa kanilang unhappy marriages dahil sa social pressure.
At kahit may humiling ng divorce, napakabihira itong pagbigyan ng korte.
Nitong 2023, mas "straighforward at simplified" ang proseso ng divorce ayon sa mga bagong provisions sa family code.
Kung ito ay "mutual" and "both parties agree to end the marriage," aaprobahan ito ng korte.
Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says

Pero sa kaso nina Nirmal at Paramjit, na-deny ang kanilang divorce kahit pa sang-ayon maging korte na “beyond salvation" ang marriage ng dalawa?
Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto
ANG DAHILAN NI NIRMAL
Normal ang naging pagsasama nina Nirmal at Paramjit, at abala sila sa kani-kanilang career.
Noong January 1984, na-assign ang lalaki sa Madras (Chennai ngayon).
Ayon kay Nirmal ay mariin ang naging pagtanggi ni Paramjit na sumama sa kanya sa Chennai.
Nanirahan ang kanyang misis sa parents nito kasama ang kanilang anak.
Read: Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha na ang premyong PHP12M
Dahil magkalayo, doon na nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan, at naapektuhan ang kanilang marriage.
Tinangka nilang ayusin ito, pero walang nangyari.
Nagretiro na sa serbisyo si Nirmal noong 1990.
Pagsapit ng 1996, nag-file siya ng divorce sa District Court. Hindi na sila nagsasama noon.
Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority

Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K
Makalipas ang apat na taon, nakatanggap siya ng desisyon ng korte na pumapabor sa kanya.
Pero binawi rin iyon ng korte nang umapela si Paramjit.
Ang argumento ng babae, ginagawa nito ang lahat nang makakaya para mapanatili ang kanilang “sacred relationship.”
At nito ngang October 2023, tuluyan nang tinuldukan ng SC ng India ang hiling na divorce ni Nirmal.
Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos
MARRIAGE SOBRANG SAGRADO PARA SA KORTE AT INDIAN SOCIETY
Ayon sa desisyon, “In our opinion, one should not be oblivious to the fact that the institution of marriage occupies an important place and plays an important role in society.”
Ipinaliwanag din ng SC na bagaman at tumataas ang bilang ng nagpa-file ng divorce, para sa korte, ang kasal bilang isang institusyon ay itinuturing na “pious, spiritual, and invaluable emotional life-net” sa pagitan ng mag-asawa sa lipunan ng India.
“Therefore, it would not be desirable to accept the formula of ‘irretrievable breakdown of marriage’ as a straight-jacket formula for the grant of relief of divorce.”
Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display
Ikinonsidera rin ng SC ang depensa ni Paramjit.
Ayon sa claim ng ginang, patuloy pa rin nitong inaalala ang kalagayan ni Nirmal sa kabila ng kanilang edad, at kahit hindi na sila nagsasama sa loob ng ilang dekada.
Nakiusap din ito sa SC na huwag pagbigyan ang hiling na divorce ni Nirmal dahil ayaw umano nitong mamatay na may stigma bilang isang diborsyada.
Sa India, ayon sa datos, isa lang sa bawat 100 hiling ng divorce ang napagbibigyan.
Ang masaklap para kay Nirmal, sa kabila ng itinagal-tagal ng kanyang kahilingan at bagong panukala ng divorce, hindi pa rin siya napagbigyan.
Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date
