PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki inireklamo ang ka-date

Katuwiran ng babae, ang lalaki naman ang nag-order at hindi siya
by KC Cordero
Published Nov 3, 2023
Man settling the bill
Smooth ang first date ng dalawang nagkakilala sa social media, at gaya sa kanilang online conversation, click din sila sa isa’t isa sa personal. Yun nga lang, agad natapos ang romantic moments nang dumating na ang bill at ayaw humati sa pagbabayad ng babae.

Iniwan ang lalaki ng kanyang ka-date nang sabihin niya rito na hati sila sa pagbabayad sa kanilang mga inorder.

Ang lalaki ay 28 anyos, at taga-Moscow, Russia.

Ito rin ang kanilang first date.

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

Man paying the bill

Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagaman at ang universal belief ay dapat na ang lalaki ang magbayad sa mga gastos sa date, may ilang porsiyento rin ang nagsasabi na dapat at paghatian ito ng both parties.

Ang kakatwa sa insidenteng ito, inireklamo ng lalaki sa pulisya ang ka-date nang hindi ito pumayag na paghatian nila ang bill na umabot sa PHP9,341.89.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang complainant, maging ang naging ka-date nito.

Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says

KATuWIRAN NG BABAE, ANG LALAKI ANG NAG-ORDER NG FOOD & DRINKS

Ayon sa salaysay ng lalaki, ilang linggo pa lang silang nagkakakilala ng babae sa social media.

September 2023 ay nagdesisyon silang mag-date.

Nagkita sila sa isang café sa Mira Avenue, Moscow.

Smooth ang kanilang first date, at gaya sa kanilang online conversation, click din sila sa isa’t isa sa personal.

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Date scene

Read: Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha na ang premyong PHP12M

Yun nga lang, nang kunin na nila sa waiter ang bill at mag-suggest ang lalaki na paghatian nila—evenly—ang gastos, diretsahang tumanggi ang babae.

Sumbat din nito, ang lalaki naman ang nag-order ng mga pagkain at inumin kaya ito lang dapat ang magbayad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang masayang date ay nauwi sa argumento.

Makalipas ang ilang minuto ng pagtatalo, tumayo na ang babae at walang lingon-likod na lumabas ng café.

Naiwan ang lalaki, na walang nagawa kundi bayaran ang amount na nasa resibo.

Pero sa halip na ipagkibit-balikat na lang ang nangyari, dumiretso ito sa isang police station at nagsampa ng reklamo laban sa ka-date.

Wala nang naging update sa reklamo ng lalaki.

Read: Leren Bautista hurt by bashers of her relationship with Ricci Rivero

KAILANGAN BANG HATI SA GASTOS SA FIRST DATE?

Ang isyu tungkol sa pagbabayad sa bill kapag first date ay madalas pag-usapan sa social media.

Sa talakayan sa Reddit, marami ang nagsabing bago mangyari ang first date, settled na dapat ang usapan kung paano ang pagbabayad sa gastos—ang lalaki lang ba ang bahala, o kailangang humati ang babae.

Sa ganitong sitwasyon, maiiwasan ang mga insidente gaya ng nangyari sa lalaking taga-Moscow.

Ayon naman sa WikiHow, kung sino ang nagyaya ng date, ito dapat ang taya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority

Dates splitting the bill

Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K

Pero para kay Ella Freimann, isang “dating coach” sa New York, ang mga babae ay hindi dapat makihati sa gastos sa lalaki sa kanilang first date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito aniya dapat ang maging mindset ng kababaihan.

Paliwanag ni Ella, ang mga lalaking nagsasabi sa babae na dapat hati sila sa bill ay hindi nauunawaan ang role ng mga ito sa isang relationship.

Para sa kanya, ang ganitong attitude ay isang sign na ang lalaki ay hindi worthy sa oras at atensyon ng isang babae.

“Women should never settle for less than they deserve.

“Women should have high standards in dating and expects their partners to treat them like the valuable individuals they are.”

Sa hindi pagpayag na humati sa bill, sinabi ni Ella na napapanatili ng isang babae ang dignidad nito at nakakaiwas sa masamang karanasan sa kalalakihan pagdating sa pakikipagrelasyon.

Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Smooth ang first date ng dalawang nagkakilala sa social media, at gaya sa kanilang online conversation, click din sila sa isa’t isa sa personal. Yun nga lang, agad natapos ang romantic moments nang dumating na ang bill at ayaw humati sa pagbabayad ng babae.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results