Inaresto si Mai Watanabe, 25, ng Japanese police noong August 2023 dahil sa pagbebenta ng libro na nagtuturo kung paano manghuthot sa mga may-edad na lalaki sa pamamagitan ng pakikipag-date sa mga ito nang may bayad.
Si Mai ay residente ng Nagoya, Japan, at isang self-proclaimed dating scammer.
Nagbebenta siya ng “dating scam manuals” sa kanyang social-media followers.
Kabilang sa mga ibinibenta ni Mai ay may pamagat na Textbook for Sugar Babies: The Right Profile and Magical Words to Make Men Pay.
Tinatalakay sa aklat na ito ang tamang paraan para i-approach ang vulnerable middle-aged men at mahuthutan ang mga ito ng malaking pera.

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date
Isa sa mga itinuturo ng naturang controversial guidebook sa makakabasa nito ang ikuwento ng “sugar baby” sa prospect na sugar daddy na dumanas ito ng malungkot na childhood.
Dito pa lang daw, makukuha na ng sugar baby ang simpatya ng prospect na sugar daddy, at malamang na bigyan ito ng pera.
Kabilang din sa mga taktika ang pagsisinungaling na hindi makakita ng trabaho dahil sa kung anu-anong kadahilanan, at gipit na gipit at kailangan ng pambayad sa inuupahan.
Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa
IN DEMAND ANG TEXTBOOK
Ayon sa impormasyong inilabas ng Naka Police Department, year 2022 pa sinimulan ni Mai ang pagbebenta ng kanyang scamming manuals.
Ang presyo ng manuals ay nasa 10,000 yen o PHP3,785.80 hanggang 20,000 yen o PHP7,571.60.
With an additional fee, puwede ring magbibigay si Mai ng private lessons sa mga bumibili ng kanyang libro.
Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?

Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren
Ayon sa ulat ng Japanese media, nakapagbenta na si Mai ng halos 2,000 kopya ng kanyang libro bago siya naaresto.
Sinimulan ng pulisya ang pag-iimbestiga kay Mai matapos maunang maaresto ang isang 20 anyos na babae na nakapanghuthot ng 10.65 million yen (PHP4,068,324.00) sa dalawang lalaki sa Aichi Prefecture gamit ang biniling libro sa kanya.
Gumagamit si Mai ng byline na “Itadakijoshi Riri-chan (Riri the Sugar Baby)” sa social media.
Read: 143 sites sa Luzon, itinayo para gunitain ang pamilya Marcos—UP study
PATUNG-PATONG NA ALEGASYON NG PANLOLOKO
Hindi naman dinenay ni Mai ang mga alegasyon laban sa kanya.
Paliwanag niya, alam niyang tinutulungan niya ang kanyang mga customers na makagawa ng scam.
September 2022 ay iniulat ng Japanese newspaper na The Mainichi na inakusahan si Mai na nakaharbat ng 27 million yen (PHP10,312,071.25) sa isang 50 anyos na lalaki.
Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item
Sinabi umano ni Mai sa biktima na umutang siya sa isang kakilala ng pera para simulan ang isang apparel shop, at kinakailangan niyang ibenta ang kanyang katawan sa isang prostitution den para mabayaran ang mga inutangan.
Naawa sa kanya ang 50 anyos na lalaki at pinahiram siya ng pera.
Noong October 2023, isang panibagong akusasyon ang inilathala ng pahayagan na nagsasabing isang 54 anyos na lalaki ang nahikayat din ni Mai na mag-transfer ng 117 million yen (PHP44,073,510.00) sa account ng Riri the Sugar Baby.
Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi
MAI ALAM LARUIN ANG EMOSYON NG MGA LALAKING MAY EDAD NA
Pero bakit nga ba mahusay na sugar-daddy swindler si Mai?
Bakit marami sa kanyang mga customers ang naniniwala na sa tulong niya ay kikita rin ang mga ito bilang sugar babies?
Napag-alaman na isa siyang “papa katsu” o paid dating master.
Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay
Itinuturo rin ng kanyang manuals kung paano mag-iingat ang mga sugar babies sa pagtanggap ng pera mula sa sugar daddy, at kung ano ang gagawin pagkatapos ng transaksyon.
Ipinaalala rin niya sa mga sugar babies na palabasin na totoo ang feelings ng mga ito sa kanilang sugar daddies para lalong mahulog ang loob at patuloy na magbigay ng pera.
Ang tanging dahilan na sinabi ni Mai sa mga imbestigador kung bakit niya ginagawa ang kanyang scam, “I committed the crime because I wanted money to play.”
Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan
