Tatangkain mo bang bawiin ang organ na idinonate sa iyong kabiyak kapag nauwi sa hiwalayan ang inyong pagsasama?
Noong 2022, naging laman ng mga balita at naging viral ang kuwento ng babaeng naging kidney donor sa kanyang boyfriend, na hiniwalayan siya seven months after the surger.
Read:
- Babae kidney donor ng boyfriend; pinagtaksilan siya 7 months after transplant
- Kidney donor na pinagtaksilan ng ex-BF, happy sa bagong love life
Pero hindi pala ito isolated case.
Dahil noong 2001, may isang mister na naging kidney donor ng kanyang misis.
Pero makalipas ang apat na taon, nag-file ng divorce ang babae.
Ang gusto ng mister ay bawiin ang kanyang kidney o di kaya ay pagbayarin ang ex-wife.
Umabot sa korte ang away ng mag-asawa, maging sa media, kung saan ito ay pinagpiyestahan.
HUSBAND WANTS HIS KIDNEY BACK
Si Richard Batista, isang surgeon sa Long Island, New York State sa U.S., ang husband na nag-donate ng kanyang kidney sa misis na si Dawnell noong 2001.
Ikinasal sila noong 1990 at nagkaroon ng tatlong anak.
Sumailalim na si Dawnell sa two failed kidney transplants bago idinonate ni Richard ang kanyang kidney.
Noong mga panahong iyon, “on the rocks” na ang pagsasama ng dalawa dahil sa medical issues ng misis.
Taong 2005, nag-file ng kasong divorce si Dawnell laban sa mister dahil sa umano’y domestic violence at infidelity.
Ang buwelta ni Richard: kumunsulta ito sa ilang “expert” upang alamin ang halaga ng kanyang kidney.
Pagkatapos, nagpa-interview siya sa media at nag-demand sa estranged wife na ibalik ang kanyang kidney o bayaran siya ng $1.5 milyon (PHP84 million) bilang compensation.
Naging kontrobersiyal noon ang issue—at maraming tao mula sa medical field ang nagbigay ng kanilang opinyon kaugnay ng kaso.
Nagtagumpay kaya ang surgeon sa kanyang demand?
COURT’S DECISION
Naglabas ng 10-page decision ang Nassau County Supreme Court kaugnay ng kaso noong 2009.
Ni-reject ng korte ang hiling ng complainant na si Richard.
Kinatigan ng Supreme Court ang argumento ng abogado ni Dawnell—si Attorney Douglas Rothkopf—na hindi puwedeng ituring na property item ang donated kidney.
Sabi pa ng korte, hindi kasama sa “marital property” ang organs at human tissues.
Desisyon ng matrimonial referee na si Jeffrey Grob, ang kidney ay maituturing na “gift” ni Richard sa asawa.
Dagdag pa ni Grob sa kanyang desisyon, “legally unsound” ang demand ni Richard na mag-extort ng pera mula sa kanyang misis kapalit ng pag-donate ng kanyang kidney.
Maaari rin daw maharap si Richard sa “criminal prosecution” dahil sa dito.
Sabi ni Grob, “The defendant’s effort to pursue and extract monetary compensation therefore not only runs afoul of the statutory prescription, but conceivably may expose the defendant to criminal prosecution.”
Sa pagpapa-media pa lamang ni Richard na isang surgeon, marami nang colleagues ang tumutol dito.
Isa na rito si Robert Veatch, isang medical ethicist sa Georgetown University's Kennedy Institute of Ethics, "it's illegal for an organ to be exchanged for anything of value".
Ang body organs kasi sa U.S. ay hindi mabibili at maibebenta. Makukuha lamang ito via donation—kaya isa itong “gift.”
At legally, "when you give something, you can't get it back," sabi pa ni Veatch.
