Life saver ang convenience store para sa biglaang pangangailangan ng mga travelers, lalo na sa mga mountain climbers.
Aakalain mo bang may tindahang kang makikita na nakasabit sa kalagitnaan ng talampas o cliff!
No, it’s not a joke.
Mayroon talagang maliit na convenience store—two-square meters ang floor area— na mamamataan sa tagiliran ng isang bundok sa Shiniuzhai area, Pingjiang, Hunan Province sa China.
Ang hanging store ay 120 meters ang taas, at karaniwang naaabot ito sa loob ng isa at kalahating oras na pag-akyat.
Read: Husband demands his donated kidney back from wife who filed for divorce

May dalawang paraan ng pagbayad—either through the QR code o the cashier—ayon sa ulat ng Singaporean daily English-language newspaper na The Straits Times.
Read: 26-year-old mom has 22 kids; spends PHP10.9 million on surrogacy
Ang food and drinks ay inaakyat ng staff members araw-araw via backpack.
May pa-promo pang one free bottled water para sa climbers.
Itinayo ang tindahan noong 2018 matapos abutin ng isang taong paggawa.
Recently ay nakaagaw ito ng pansin sa social media, at binansagan ng isang vlogger na, “The most inconvenient convenience store.”
