Nakawala ang alagang baboy ni Chelsea Rumbaugh ng Cumberland Township, Pennsylvania.
Nabili niya ito noong October 13, 2023.
Ang baboy na may pangalang “Kevin Bacon” ay two years old na at may timbang na 200 pounds.
Ayon kay Chelsea, tumakas ito mula sa kulungan noong October 14, at namataan sa may campground.
Paminsan-minsan ay bumabalik si Kevin Bacon sa bahay ni Chelsea, pero lagi silang hindi nagpapang-abot.
Kaya gumawa si Chelsea ng Facebook Page na "Bring Kevin Bacon Home" sa pagbabakasakaling may makahuli rito at maibalik sa kanya.
Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Read: What two to five minutes of walking can do to prevent diabetes, other diseases
Huling makita niyang nakawala si Kevin Bacon nang nilaro ito ng kanyang 16-year-old na anak.
At makalipas ang ilang minuto ay tumakbo na ang baboy papunta sa kakahuyan at doon nagpapagala-gala.
Tuwing umaga ay namamataan itong nasa harapan ng bahay ni Chelsea, pero agad din itong tumatakbo pag nakakita ng mga tao.
Dagdag niya sa kanyang Facebook post, dahil sa size at bilis tumakbo ni Kevin Bacon, mahirap talaga itong hulihin.
Read: Husband demands his donated kidney back from wife who filed for divorce
"Once he darts to the woods, he's gone."
Inalerto rin ni Chelsea ang kanyang mga kapitbahay at maging ang mga local hunters na ang kanyang nawawalang baboy ay posibleng nasa kakahuyan lang.
BRING KEVIN BACON HOME WENT VIRAL
Naging viral ang post—at nakarating sa kaalaman ng sikat na Hollywood actor na si Kevin Bacon.
Nag-share ang actor sa Threads last October 27, at hinikayat ang mga tao na, "Bring Kevin Bacon home!"
Read: 26-year-old mom has 22 kids; spends PHP10.9 million on surrogacy

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer
Dahil dito, marami ang naging aware sa nakawalang baboy ni Chelsea.
Komento ng isang netizen na may sense of humor, “He’s ‘Footloose.’” Patungkol ito sa 1984 movie ng Hollywood actor na ang title ay Footloose.
Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K
Last October 30, bandang alas otso y media ng umaga ay nakita ni Chelsea si Kevin Bacon sa harapan ng kanyang bahay.
"He comes close. I wait and then inch towards him, he trots away.”
Aniya, "incredibly frustrating" na hindi pa niya ito maibalik sa pig pen.
Pero noong October 31, nagawan niya ng paraan na mahuli ito.
Pinainan niya ito ng bun na may Benadryl.
Aniya, inisip niyang kapag kinain nito ang antihistamine-laced sugary treat, aantukin ang kanyang pet.
At nagtagumpay si Chelsea.
Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health
Aniya sa kanyang post noong araw na mahuli na niya si Kevin Bacon, "Benadryl sticky bun has been eaten and now I’m looking for a passed-out pig somewhere.
“Today around noon my husband and I walked outside to do a survey of the woods and look for Kevin.”
Ang nakakatuwa, nakita niyang kusang nagbalik pala ito sa pen at doon inabot ng antok.
“I dropped what I was holding and sprinted to the pen, stepped in, and shut the door behind me.
“He had his angry feelings for about 60-90 seconds then it was over."
Batay sa website ng Pennsylvania adoption service for pet pigs, ang mga baboy ay maaaring bigyan ng one milligram of diphenhydramine per pound.
Kaya matapos makapagpahinga ng baboy, enjoy na uli ito sa pagkain.
Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says
Matapos naman ang dalawnag linggong paglalayas ni Kevin Bacon, ginawang mas matibay ang kulungan nito.
Kumusta na siya?
"He is still scared of humans. But we are getting closer every day."
Nagpasalamat din si Chelsea sa Hollywood actor na namesake ng kanyang pet dahil naging aware ang mga tao sa kanyang area na alaga niya si Kevin Bacon.
Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto
