Isang kakaibang bata sa Malaysia ang nais ampunin ng reyna ng Malaysia na si Tunku Azizah Maimunah Iskandariah.
Ang two-year-old na batang babae ay isinilang na may kondisyong congenital generalized hypertrichosis (CGH) syndrome, na tinatawag ding werewolf syndrome.
Dahil sa kondisyong ito, ang bata ay nagkaroon ng excessive facial at upper hair dahilan para maging kawangis nito ang werewolf (isang mythical creature na kalahating aso, kalahating tao).
Bukod pa rito, isinilang din ang bata na walang nostrils.
Read: Husband demands his donated kidney back from wife who filed for divorce

Ang batang babaeng may werewolf syndrome na karga-karga ng kanyang amang si Roland Jimbai
Bumisita sa Bintulu sa Borneo ang hari ng Malaysia na si Sultan Abdullah Ahmad Shah at ang asawang si Tunku Azizah Aminah Maimunah Iskandariah noong September 11, 2023.
Ang bata ay karga-karga ng kanyang amang si Roland Jimbai, na pumila noong araw na iyon para ma-meet ang sultan at reyna ng Malaysia.
Nagtagumpay naman ang mag-ama, at nakunan pa ang bata na karga-karga ng reyna.
Kasunod nito, naglabas ang Istana Negara (Malacañang counterpart sa Malaysia) ng official statement ng reyna.
Sa statement, tinawag ng reyna ang bata na “anak syurga” o “child from heaven.” Ipinahayag ding nais niyang “ampunin” ang bata sa pamamagitan ng pagsagot ng school expenses at medical treatment nito.
"I hope that this assistance will alleviate the burden on Missclyen's father in providing care and raising her," ayon sa statement ng reyna.
Ikinagalak naman ito ng ama ng bata na si Roland.
"I was deeply moved after reading the letter because I never expected the Raja Permaisuri Agong [Malay title ng reyna] to be willing to adopt my daughter with an open heart," ani Roland sa News Sarawak Tribune.
Nag-post din ang ina ng bata via Facebook para ibahagi ang letter ng reyna, at magpasalamat.
