Isang Chinese woman ang kinasuhan dahil nagpakasal siya sa apat na lalaki.
Nakaharbat din siya sa mga ito ng halos PHP5,593,750.
Napalabas din niya na totoo ang kasal niya sa tatlong lalaki, kahit pa legally married na siya sa unang mister.
Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya

Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya
Ang babae na nakilala lang sa pangalang a Zhou y 35 years old na at may isang anak na babae nang simulan niya ang pakikipag-date sa iba-ibang lalaki para ma-scam ang mga ito.
Ayon sa Chinese media, walang malinaw na dahilan kung bakit ginawa ni Zhou ang pagpapanggap na single siya gayung may negosyo naman ang kanyang una at legal husband.
Maganda rin ang financial standing ng kanyang pamilya.
Kung paano niya nagagawang magpalipat-lipat sa apat na mister sa loob ng mahabang panahon, laging abala kasi ang kanyang real husband sa negosyo at hindi masyadong pinapansin ang kanyang mga aktibidad.
Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya
HOW DID SHE GET AWAY WITH GETTING MARRIED THRICE?
Naging target ni Zhou ang mga gullible na kalalakihan na hindi nagsususpetsa sa kanyang tunay na intensiyon.
Dahil sa taglay niyang ganda, madali niyang naakit ang mga ito.
Napagsabay-sabay rin niya ang pakikipag-date sa mga lalaki, at kapag sagad na ang pagkaakit sa kanya ay saka niya yayayain na magpakasal.
Paanong hindi nabubunyag na may asawa na si Zhou?
Nakaisip kasi siya ng paraan para maiwasan ang civil proceedings.
Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer
Sasabihin niya sa lalaking pakakasalan na ang kanyang bahay ay ilegal na na-demolish, at kailangan niyang manatiling single para maging eligible sa compensation mula sa gobyerno.
Hindi naman nagsususpetsa ang mga “pinakasalan” niya dahil nagdaraos pa rin naman ng wedding ceremony—hindi nga lang rehistrado.
Ang drama pa ni Zhou, talagang gusto niyang pakasalan ang lalaki, at ang pinaka-importante sa lahat ay naganap ang kanilang wedding ceremony.

Pero ang totoo, gusto lang niyang idaos ang wedding ceremony para makakolekta ng mga regalo at pera mula sa mga bisita.
At kung gaano siya kahusay sa scam na ito, para matiyak na walang hassle ang kasalan, nagha-hire pa siya ng mga aakto bilang mga kaibigan niya at kapamilya na sasaksi sa kasalan.
Pagkatapos naman ng kasal, binabayaran din niya ang mga ito para dalawin siya at ang lalaking pinakasalan.
Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K
PUMALPAK NANG ‘MANGANAK NG KAMBAL’
Pero napasobra ang drama ni Zhou noong isang taon kaya nabulgar ang kanyang lihim at scam.
Para pagkaperahan ang isa niyang mister na si Zhang, sinabi niyang buntis siya at kambal ang nasa kanyang sinapupunan.
Sinabi rin niya rito na gusto niyang manganak sa bahay ng kanyang nanay na nasa ibang lungsod.
Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis
Humingi si Zhou kay Zhang ng pambayad sa lahat ng kanyang magagastos sa kanyang “panganganak.”
Pumayag naman ang lalaki.
Mula noon, nagpapadala si Zhou kay Zhang ng mga pekeng larawan ng resulta ng kanyang fake check-up, at maging ng kanyang “kambal” na anak na kinukuha lang niya sa internet.

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto
Pero namroblema na siya nang magdesisyon ang lalaki na makita nang personal ang kambal.
Para muling malinlang si Zhang, nag-hire si Zhou ng isang kunwari ay doktor na nagpaanak sa kanya.
Pero walang naisagot ang nagpanggap na doktor nang hanapin na ni Zhang ang kambal.
Noon na nagduda ang lalaki kay Zhou at nagsagawa ng background check.
Natuklasan nito ang katotohanan na legally married na si Zhou, at peke ang kanilang kasal.
Agad inireklamo ni Zhang si Zhou sa pulisya at isiniwalat ang ginawang panloloko.
Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health
Nang malaman ng legal husband ni Zhou ang mga sikretong krimen ng babae, nakipagdiborsyo na ito sa kanya noong April 23.
Matapos namang lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nahuthutan niya ng halos PHP5 milyon ang tatlong lalaking kunwari ay pinakasalan niya, sinampahan siya ng kaso, at nahaharap siya ngayon sa sampung taon na pagkakabilanggo.
Bagaman at hindi naging detalyado kung paano napakisamahan ni Zhou ang apat na lalaki nang hindi siya nabubuko ng mga ito, ang lagi niyang dahilan kapag mawawala siya nang matagal sa piling ng mga ito ay ipinapadala siya sa training ng kumpanya na kanyang pinagtatrabahuhan.
You bet, wala rin siyang kumpanyang pinapasukan at gawa-gawa lang niya ito.
Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says
