Namataan ang isang usa, na tinatawag na Philippine brown deer, na pagala-gala sa Barangay Duyay sa Boac, Marinduque.
Ang Philippine brown deer na endemic, o sa Pilipinas lang matatagpuan, ay tinatawag ding Rusa marianna o kaya ay Philippine sambar.
Nakunan ng video ni Dexter Nite, isang residente ng barangay, ang usa na aniya ay hindi masyadong mailap sa mga tao.
Lalaki (male) ito, at mukhang malusog.
Ini-upload niya sa Facebook ang mga larawan ng usa noong October 29, 2023.
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya
Aniya sa panayam ng GMA News last November 8, "Sabi ko po huwag pong galawin at pakialaman. Kailangan pong i-report sa DENR [Department of Environment and Natural Resources]."
Habang naghihintay sa mga taga-DENR, pansamantalang itinali ng mga residente ang usa para maprotektahan ito.
Sa kasamaang-palad, nagawa nitong makaalpas.
"Nung umaga, nakawala na po pala yung usa. Naputol po dun sa tali. Nag-alala po kami baka yung tali po ay mapasabit kung saan.”
Natagpuan naman nila ito sa isang creek.
Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
Ayon kay Ecosystem Management Specialist Alvin Pergis, "Naalis nila muli yung tali ng usa at temporarily ay nalagyan nila ng tag dun sa kanyang sungay for identification.
"Hinihikayat namin sila na kami ay tulungan para ma-preserve at maalagaan natin dun sa kanyang natural habitat."
Muli namang ibinalik ang usa sa kagubatan.
Read: What two to five minutes of walking can do to prevent diabetes, other diseases

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho
Samantala, may namataan ding Philippine brown deer na pagala-gala sa Sitio Talao, Barangay Tigion, Gasan sa Marinduque pa rin.
Maamo rin ito sa mga tao.
Ayon sa Facebook post ni Jhajha Solas, "Totoo nga! First time kong makakita ng usa sa buong buhay ko. Sana ay magdala ka ng miracle at suwerte sa lahat ng lugar na pupuntahan mo."
Sa ulat ng Provincial Veterinary Office, sa nakalipas na 20 taon ay wala nang nakitang Philippine brown deer sa lalawigan ng Marinduque, kaya patuloy na nagpapaalala si Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian, na huwag huhulihin o sasaktan ang nasabing usa.
Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K
Ani Victoria, "Ang Philippine sambar o brown deer na may scientific name na Rusa Marianna ay nasa bingit na ng pagkaubos dahil sa ilegal na panghuhuli rito.
“Sinasabi ring 'extinct' na ang ganitong uri ng buhay-ilang sa lalawigan ng Marinduque."
Dagdag pa niya, ang sinumang mangangaso o lalapastangan sa nasabing hayop ay may nakalaang mabigat na parusang pagkakakulong at mataas na multa base sa probisyon ng Republic Act No. 9147, o ang Wildlife Conservation and Protection Act of the Philippines.
Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K
