PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger eats giant clams; netizen calls out DENR

“This is illegal. Please take action.”
by KC Cordero
Published Nov 13, 2023
Screenshot of the video
Dismayado ang isang concerned netizen sa vlogger na nag-mukbang ng giant clams. “Ignorance is not an excuse, especially for someone na may access to information. Matagal nang ipinagbabawal iyan.”

Tinawag ng X (formerly Twitter) user na may handle na @mangingisdasays ang pansin ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong November 8, 2023.

Sa post ni @mangingisdasays, sinabi niyang may content creator na nag-post ng video habang kumakain ng giant clams.

Inilagay rin niya ang screenshot ng naturang video.

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

Aniya sa kanyang caption, published as is: “A content creator posted this video eating giant clams.

“This is illegal. Please take action.”

Dagdag pa niya, “The video was already deleted, but it was still up this morning, three days after it was posted.”

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

Screenshot of the video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya

Batay sa screenshot ng video, ang content creator ay may YouTube channel na “Raw & Cook Food Asmr.”

Nai-post nito ang video noong November 4, bandang alas singko ng hapon.

Makikita ang dalawang indibidwal na parehong nakasuot ng red T-shirt at nakatingin sa giant clams na nasa kanilang harapan.

Nilagyan ito ng content creator ng caption na (published as is): “Karaon tabi kita Sinugba na Tuway."

Roughly translated, ang ibig sabihin ay: “Kain tayo inihaw na clams.”

Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor

Samantala, sa kanyang comment sa sariling post sa Twitter, ipinaliwanag ni @mangingisdasays na, “Giants clams were almost driven out of extinction in the Philippines in the 1980s.

“Different government, academic and private institutions are working to conserve giant clams in the Philippines due to its various ecosystem services.

“Giant clam poaching is illegal in the country!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binatikos naman ng netizens ang content creator dahil sa inakto nito.

Puna ng ilan, nag-pray pa bago kinain ang clams.

Nakakadismaya umano na may mga nakakalusot pa na manghuli ng mga na endangered and protected species sa Pilipinas.

Read: What two to five minutes of walking can do to prevent diabetes, other diseases

Photo of giant clam

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Sambit naman ng isang nagkomento, “Feeling ko hindi aware ang vlogger. Normal lang yata kasi sa Bicol ang ganyang seashell.”

Pero sagot dito ni @mangingisdasays, “Ignorance is not an excuse, especially for someone na may access to information. Matagal nang ipinagbabawal iyan.”

Dagdag pa niyang paliwanag sa mga pilit nagtatanggol sa vlogger, apektado ng climate change ang giant clams, bukod pa sa mahirap palakihin.

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

At ang sagot niya sa nagsabing maliliit naman ang clams na kinain ng vlogger at hindi giant, “Matutong gumamit ng Google.

“Giant clams ang official na ginagamit ng scientific community. Wag pong mangmang.”

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon ang DENR sa panawagan ni @mangingisdasays.

Wala na rin sa line up ng Raw & Cook Food Asmr ang naturang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dismayado ang isang concerned netizen sa vlogger na nag-mukbang ng giant clams. “Ignorance is not an excuse, especially for someone na may access to information. Matagal nang ipinagbabawal iyan.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results