Truth is stranger than fiction.
Ganito ang naging sitwasyon sa itinuturing ngayon na “bizarre love square” sa India.
Parehong residente ng Bihar state sina Neeraj at Rubi Devi.
Nagpakasal sila noong 2009, at nagkaroon ng apat na anak.

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
Sa kabila nito, natuklasan ni Neeraj na ang kanyang misis ay may relasyon sa ibang lalaki.
Ang lover ni Rubi ay nakilala sa pangalang Mukesh.
Dahil mahal na mahal ni Neeraj si Rubi, sa kabila ng affair nito kay Mukesh, pinakiusapan niya ang misis na tigilan na lang ang pakikipagkita sa kabit.
Pero may katigasan ang ulo ni Rubi.
Sa halip na pakinggan ang pakiusap ni Neeraj, nakipagtanan ito kay Mukesh noong 2022.
Ang mas masakit para kay Neeraj, nagpakasal pa sina Rubi at Mukesh.
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

Read: Which is healthier: brown rice or white rice?
Dumulog si Neeraj sa mga elders ng Khagaria District village para maresolba ang problema niya sa isang “panchayat” o special assembly.
Pero hindi dumalo sa pagdinig sina Rubi at Mukesh, at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago.
Hindi dito natapos ang kuwento.
Natuklasan ni Neeraj na may asawa rin si Mukesh.
At parang biro ng tadhana na ang pangalan rin ng misis ng lalaking ipinagpalit sa kanya ay Rubi rin!
May dalawang anak ang mga ito.
Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya
Nagsimulang mag-usap sa pamamagitan ng telepono sina Neeraj at ang misis ni Mukesh, ayon sa ulat ng India Today, ang pahayagan sa India na sumubaybay sa real-life drama na ito.
Parehong iniyakan ng dalawang iniwan ng kani-kanilang kabiyak ang kasawian nila sa pag-ibig.
Naging shoulder to cry on nila ang isa’t isa.
Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
Hindi nagtagal, nauwi sa pagmamahalan ang kanilang madalas na pag-uusap.
Nang matiyak ni Neeraj na hindi na siya babalikan ng kanyang misis, inalok naman niya ang asawa ni Mukesh ng kasal.
She said yes. Nagpakasal ang dalawa noong February 18, 2023.
Read: What two to five minutes of walking can do to prevent diabetes, other diseases

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho
Dahil sa naunang eskandalo nina Neeraj, Rubi, at Mukesh—at ngayon ay nadagdag pa ang misis ng huli—naging pang-araw-araw na paksa ng mga Marites sa bayan ng Khagaria District ang interesting love story sa pagitan ng dalawang pares ng mag-asawa na nagpalitan ng partners.
Kung may isang bagay na masasabing maganda sa pangyayaring ito, tanggap at suportado ni Neeraj ang mga anak ni Mukesh.
Sa part ni Mukesh, ganoon din ang naging trato nito sa mga anak ni Neeraj.
Ang isang anak na babae naman ni Neeraj ay hindi sumama kina Rubi at Mukesh, at naiwan sa kanya.
Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer
Ang lamang ni Neeraj kay Mukesh.
Naghain kasi siya ng kasong kidnapping laban dito nang magtanan ang huli at si Rubi.
Dahil dito, nananatiling wanted sa batas si Mukesh at hindi makapagpakita sa publiko.
Samantalang si Neeraj at ang misis ni Mukesh na kabiyak na ng puso niya ngayon, malayang nailalantad sa lipunan ang nabuong pagmamahalan.
Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K
