PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Budol nang bongga!
by KC Cordero
Published Nov 17, 2023
Photo of Goldie and tugou
Dahil sobrang mura ng presyo ng Golden Retriever na naka-advertise sa isang online store, agad itong binili ng isang dog lover. Pero nasorpresa siya nang dumating na ang package.

Isang dog lover si Liu ng Guangxi, China.

Noon pa niya pangarap na magkaroon ng alagang purebred Golden Retriever o Goldie.

Kaya nang makakita siya sa online pet store na Pinduoduo ng ibinibentang Goldie na tuta noong August 4, 2023, sa murang halaga na ang katumbas sa pera natin ay PHP1,586.27, agad niya itong binili.

Inisip niyang isa itong steal.

Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor

Gayunpaman, nang dumating ang package, ibang dog breed ang laman ng package.

Ang tuta ay isang “tugou,” isang dog breed na karaniwang ginagamit bilang “delicacy” sa China.

Kung sa Pilipinas, isa itong “askal.”

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Photo of tugou

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Ang tugou ay itinuturing na “meat dog” sa China.

Legal ang pag-aalaga niyo, maging pagbebenta sa pet shops at online stores, para para katayin at kainin.

Sa loob ng ilang daang taon at hanggang ngayon, sadyang kumakain ang mga Chinese ng karne ng aso.

Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Kaya ang inakala ni Liu na steal na presyo ng Goldie ay budol pala, although ang amount na binayaran niya ay usual na presyo ng isang tugou.

Napailing na lang si Liu habang binubuhat mula sa black crate ang tuta—na malayo ang hitsura sa Goldie.

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money

Photo of tugou

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

Matingkad na brown ang fur nito, maputi ang belly, at may black snout.

Gayunpaman, naawa na rin si Liu sa tuta.

At nagdesisyon na lang siyang alagaan ito at gawing pet kaysa ma-hassle pa sa pagsosoli pabalik sa pet store.

Wala rin siyang plano na kainin ito.

After all, cute din naman ang kanyang new tugou pup.

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sobrang mura ng presyo ng Golden Retriever na naka-advertise sa isang online store, agad itong binili ng isang dog lover. Pero nasorpresa siya nang dumating na ang package.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results