Isang 50 anyos na lalaking Japanese ang nagtanim ng mga puno ng saging.
Saan? Sa gitna ng dalawang malalaking kalsada sa Kurume City, Fukuoka Prefecture, Japan.
Araw-araw niya itong dinidiligan at inaalagaan sa loob ng dalawang taon.
Walang nakakapansin sa mga saging, ngunit kamakailan, sinabihan siya ng mga awtoridad na tanggalin na ang mga puno.
Mula nang dumami at nagsilakihan ang mga puno ng saging, nagsimulang magreklamo ang ilang motorista, na nasisira umano ang field of view nila.
Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
Hindi malinaw sa mga awtoridad kung bakit sa pagitan ng major roads—na pag-aari ng gobyerno—nagtanim ng saging ang lalaking hindi na pinangalanan.
Hindi naman nahirapan ang awtoridad sa paghahanap sa nagtanim.
Araw-araw daw kasi siyang nakikita na nagdidilig ng mga puno ng saging.
Sa sobrang sipag nga niya, dalawang beses isang araw kung magdilig siya.
Read: Bagong damit? Labhan muna bago isuot!
Batay sa utos ng mga awtoridad, kung hindi aalisin ng lalaki ang mga puno ng saging, kahit pa karamihan ay namumunga na, posible siyang makulong sa loob ng isang taon.
Pagmumultahin din siya ng 500,000 yen o PHP186,052.30.
Ang ending: napilitan siyang tanggalin ang mga puno.
Aniya sa panayam ng Japanese media, sobra siyang nalungkot sa nangyari.
Read: Sideline ng 21-year-old student na paggawa ng stickers, big business na

Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors
Sambit pa niya, “I feel lonely without my beautiful bananas.”
Dahil sa kakaibang sitwasyon, humatak ng malawak na atensiyon sa Japan ang tungkol sa mga puno ng saging sa Kurume.
Noong araw na tinanggal ang mga ito ng lalaki, aakalaing may malaking okasyon dahil nagdatingan ang mga crews ng malalaking news channels sa lokasyon.
Bukod sa panayam sa lalaking nagtanim, kinunan din siya ng video habang tinitikman ang mga bunga ng kanyang mga pinagpaguran—kahit hindi pa hinog ang mga iyon.
Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay

Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR
Nananatili namang misteryo sa Japanese media at sa netizens kung bakit inabot ng dalawang taon bago sinita ang lalaki gayong nakikita naman itong nagdidilig araw-araw.
Bukod dito, malapit lang din iyon sa city hall.
Pero hindi naman nasayang ang mga puno ng saging.
Maayos ang pagkakaalis sa mga ito dahil tumulong ang mga taga-city hall gamit ang heavy equipment.
Isang 80 anyos na lalaki ang kumuha sa mga puno at itinanim sa bakuran nito.
Ang ibang puno naman ay ibinigay ng lalaking nagtanim sa isang kaibigan niya bilang birthday gift.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views
