TRIGGER WARNING: Self-harm, depression
Ang internet ay isang mayamang bukal ng mga impormasyon.
Pero mapanganib din ito para sa mga taong kulang ang kakayahan para malaman kung totoo o imbento ang mga napapanood at nababasa online, lalo na kapag ptungkol sa medical information.
Ang “self-diagnosing” kapag may nararamdaman sa katawan ang isang tao ay isang malaking problema sa buong mundo—at kung minsan ay nagdudulot ng serious consequence sa ibang individuals.
Ganito ang nangyari sa isang lalaking Romanian.
Sa pagbabasa niya online tungkol sa mga sintomas na nararamdaman niya sa katawan, nakumbinsi ang lalaki na may sakit siyang colon cancer.
Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors

Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”
Hindi siya nagpakonsulta sa doktor.
At dahil sa labis na takot sa kanyang nararamdaman, nagtangka siyang magpakamatay.
Gamit ang grinder, nilaslas niya ang kanyang pulso.
Naganap ang kakatwa at kahindik-hindik na insidente noong November 11, 2023, sa Botosani City, Romania.
Ayon sa misis ng lalaki na hindi na pinangalanan, hindi niya alam na sobrang depressed na pala ng kanyang mister dahil sa matagal na nitong iniinda na sakit sa colon.
Read: Puno ng saging sa gitna ng daan, pinaalis after 2 years, kung kelan nagsimulang namunga

Read: Winner ng PHP36M sa Grand Lotto 6/55, sadyang masuwerte sa game of chance
Kamakailan ay nagpaalam ang lalaki sa misis na pupunta sa kanilang outhouse para kumuha ng mga panggatong na kahoy para sa kanilang boiler.
Hindi alam ng misis na may pinaplano ang lalaki.
Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap ang misis ng text mula sa lalaki na humihingi ng sorry.
Sinabi rin sa text message na mabuting maybahay si misis.
Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?
Dahil sa mga text messages ng lalaki, kinutuban si misis na may hindi magandang mangyayari.
Agad siyang tumakbo papunta sa outhouse.
Gayun na lang ang pagka-shock niya sa nasaksihan.
Hawak ng lalaki ang isang grinder na ginagamit sa pagputol ng kahoy, at nilalaslas nito ang pulso gamit iyon.
Read: Bagong damit? Labhan muna bago isuot!

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
Halos maputol na ang kamay ng lalaki nang maabutan niya.
Naawat niya ito at agad siyang tumawag ng ambulansya.
Mabilis namang dumating ang paramedics team at agad nasaklolohan ang lalaking duguan, at isinugod sa Mavormati County Hospital.
Suwerte rin na nagkataong may plastic surgery team na kasalukuyang nasa ospital, at napagdugtong ang kamay ng lalaki na halos maputol na.
Agad din itong inilipat sa ibang ospital para ma-rehabilitate ang kamay.
Read: Pamamaril sa loob ng bus, nagdulot ng takot sa mga netizens
Ibinahagi naman ng mga kamag-anak ng lalaki sa mga imbestigador na madalas itong makaramdam ng pananakit ng colon.
Kumbinsido umano ito na may colon cancer dahil nababasa nito sa internet ang mga nararamdamang sintomas.
Ang masaklap, ayon sa mga kamag-anak ng lalaki, hindi na ito nag-abalang magpatingin sa mga doktor dahil iyon din lang umano ang sasabihin ng mga ito—na may colon cancer ito.
Nagkaroon na rin ito ng malalang depresyon simula noon.
Iniulat ng Romanian press na nagpapagaling na ang lalaki sa naging pinsala nito sa kamay.
Sinusuri na rin siya ng mga doktor para matiyak kung ano ang problema ng kanyang colon.
Read: Lotto winner ng PHP34M, naniniwalang nasa guhit ng kapalaran niya ang maging milyonarya
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
