PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Na-trauma sa lamok ang teener

Lamok na nakadapo sa pisngi ng BF, napisak sa sampal niya.
by KC Cordero
Published Nov 24, 2023
Photo of a sad girl and a dead mosquito
Pakiramdam ng teener ay kinukuyog siya ng mga kapamilya ng lamok na aksidenteng napisak niya nang sampalin niya ang boyfriend. “I still get dreams of that mosquito's family ganging up and giving me dengue to take revenge on me." (Photo for illustration purposes only)

Isang 16-year-old na dalagita mula sa Delhi, India, ang nag-share sa social media ng kanyang post-breakup drama tungkol sa kanyang "toxic" boyfriend.

Puno ng nakakatawang senaryo ang kanyang post, kaya naman naging entertaining story ito para sa mga social-media users.

Ayon sa post ng Reddit user na si @Real-Level-5779 last November 21, 2023, wala pa sana sa plano niya ang makipag-date sa isang guy.

The post on Reddit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki

Gayunpaman, isang makulit na manliligaw niya ang napapayag siyang makipag-date matapos ang anim na buwan na panunuyo sa kanya.

Isa sa mga rason kung bakit na-fall siya rito ay dahil sa pagko-comment niya ng “queen” sa lahat ng kanyang social-media post.

Madalas din itong magpadala sa kanya ng tiramisu.

Bukod dito, ipinaglilinis siya ng guy ng mga electric fan sa kanilang bahay.

Kaya eventually, ibinigay niya rito ang kanyang matamis na oo.

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

Pero nang maging sila na, dito na lumabas ang pagiging toxic ng guy.

Ang reklamo ng teener sa kanyang boylet, hindi ito super caring.

Hindi na rin ito nagre-reply sa mga reels na ipinadadala niya rito.

Pinapalitan din nito ang kanta sa kanyang playlist sa tuwing nakikinig siya sa BTS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang final straw ayon sa teener ay noong ibang babae ang yayain ng kanyang boyfriend na manood ng isang show tungkol sa high-school romance—na basically ay hawig sa kanilang love story.

Read: Husband demands his donated kidney back from wife who filed for divorce

Isang araw ay nagdesisyon siyang kumprontahin ang lalaki, at pinuntahan niya ito sa loob ng classroom nito.

Sa tindi ng galit niya, binigyan niya ang boylet ng isang malakas na sampal.

Sakto naman na noong lumagapak ang kamay niya sa mukha ng lalaki, bigla na lang may lamok na dumapo sa pisngi.

Sabay sa tunog ng kanyang sampal sa pisngi ng boyfriend ang pagkapisak ng lamok sa kanyang palad.

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Na-trauma ang teener sa nangyari.

Mula noon, pakiramdam niya ay hinahabol siya ng mga “kapamilya” ng lamok para gantihan siya at magkasakit ng dengue.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa post ng teener, "But when I slapped him, there was a mosquito on his cheek that died from my hand.

“It's been two days, and I still get dreams of that mosquito's family ganging up and giving me dengue to take revenge on me."

Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K

Ang kanyang nakakatawang post sa Reddit ay umani ng atensyon ng netizens, na nagbigay ng iba’t ibang komento.

"What is going on in Delhi?" komento ng isang user.

"I came to read this from Instagram," sambit naman ng isa pa.

Nagkakaisa naman ang mga nagkomento na ganito talaga ang buhay teener: “When you’re young, you do and think crazy things.”

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pakiramdam ng teener ay kinukuyog siya ng mga kapamilya ng lamok na aksidenteng napisak niya nang sampalin niya ang boyfriend. “I still get dreams of that mosquito's family ganging up and giving me dengue to take revenge on me." (Photo for illustration purposes only)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results