Gumawa ng ingay sa international media at maging sa social media ang larawang kuha ng Polish photographer na si Jacek Stankiewicz, isa sa mga finalists sa 2023 Wildlife Comedy Photography Awards.
Sa larawan ay makikita ang dalawang ibon na greenfinch na tila nagtatalo.
Nilagyan ito ni Jacek ng title na Dispute.
Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque
Ang kanyang kuha ay nagwagi ng Junior Award, at nakopo rin ang Affinity Photo People’s Choice Award dahil sa dami ng natanggap na public votes.
Ayon sa mga organizer, ito ang unang pagkakataon na ang Affinity Photo People’s Choice Award ay napanalunan ng isang junior entry, at isa itong significant milestone sa competition.
Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

Read: Meet the "Pokpok," noisy and colorful bird of the Philippines
Maging ang netizens ay nagpahayag ng sobrang paghanga sa kuha ni Jacek at sa kanyang perfect timing.
Naghahatid umano ito ng good vibes.
Kanya-kanya ring hula ang netizens kung ano ang pakahulugan ng larawan—karamihan ay nagsasabing pinapalayas ng ibon na nasa kanan ang kausap.
Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!
Ang Comedy Wildlife Photography Awards ay idinaraos taun-taon at isa sa pinakasikat na kumpetisyon bilang selebrasyon ng pagmamahal sa mga hayop at pangangalaga sa kanilang natural habitats.
Sinimulan noong 2015, ang free competition ay bukas sa wildlife photography novices, amateurs, at professionals na ang mga kuhang larawan sa wildlife ay tumatawid sa iba’t ibang kultura at naglalagay ng ngiti sa mukha ng lahat.
Suportado ang kumpetisyon ng global conservation charity na Born Free Foundation na kumikilala sa talento ng pinakamahuhusay na wildlife photographers sa buong mundo.
Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo
Ngayong taon, umabot sa 1,842 ang naging entries mula sa 85 bansa, at naglaban-laban sa anim na kategorya.
Bagaman at pinaka-popular ang entry ni Jacek, ang overall winner ngayong taon ay si Jason Moore.
Read: Meet Girlie, ang 43-year-old Philippine eagle sa Quezon City

Read: Tikman! Katakam-takam na crocodile lechon ng Davao
Nakunan ni Jason ang isang kangaroo na tila naggigitara, at pinamagatan niya ito ng "Air Guitar Roo."
Ang larawan ay nagwagi rin sa Creatures of the Land category.
Si Jason ay isang South African na nakabase na sa Perth, Australia, simula noong 2007.
Maliban sa trophy at ilang freebies, walang premyong perang matatanggap ang mga winners sa naturang competition.
