Super fan ng 1997 Hollywood movie na Titanic ang isang nakilala lang sa alyas na JD, na kilala sa YouTube sa username na TitanicFan97.
Siya ay residente ng Largo, Florida, USA.
Ang Titanic film ay sa direction ni James Cameron, at tinampukan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet.
Nagwagi ito sa 1997 Academy Wards ng Best Picture, Best Original Music Score, Best Music – Song, Best Cinematography, Best Film Editing, Best Visual Effects, Best Production Design, Best Costume Design, Best Sound Mixing, and Best Sound Editing.
Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors

Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas
Sa sobrang obsessed ni JD sa naturang film, nagkokolekta siya ng VHS copies nito.
Ang kanyang koleksiyon sa kasalukuyan ay nasa 2,467 copies na.
Target niyang mapaabot iyon sa isang milyong kopya.
Sa panayam kay JD ng WFTS-TV noong November 29, 2023, sa tuwing may idadagdag siya sa kanyang collection, pakiramdam umano niya ay siya ang “king of the world.”
Ang naturang phrase ay isa sa mga popular na linya ni Leonardo DiCaprio sa Titanic, at sinambit din ni James Cameron nang tanghaling best director sa Oscars.
Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award
Pahayag ni JD kung bakit sa naturang format niya ito gustong panoorin, “You know, Titanic is best on VHS.
“'September 1, 1998, take the voyage home,' that’s what they were saying.
“That’s what I was playing on the VCR, I was watching this thing over and over and over again.”
Sambit pa niya, "I go to sleep thinking about Titanic, and I wake up thinking about Titanic."
Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend
Para madagdagan ang kanyang koleksiyon, sinusuyod niya ang mga thrift stores, flea markets, at maging garage sales sa pagbabakasakaling may VHS copies ng Titanic.
Sa mga hindi na naabutan ang VHS (short for Video Home System), ito ang standard para sa consumer-level analog video recording on tape cassettes.
Naimbento ito ng Victor Company of Japan noong 1976, at naging competitor ng Sony Betamax system.
Sa pagsikat ng VCD at DVD, humina ang market ng VHS.
Ang pinakahuling VHS player ay na-manufacture noong 2016 ng Funai Electronics. Karamihan sa may VHS copies at player ay mga kolektor na lang.
Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear
Ganito rin ang sinapit ng VCD at DVD nang mauso naman ang subscription video streaming service, gaya ng Netflix.
Mula naman nang kumalat sa internet ang tungkol sa paghahanap ni JD ng kopya, may mga netizens mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nagpapadala sa kanya nito, kaya tuwang-tuwa si JD.
"You can't escape this movie. Everyone had it, your grandma had it, your mom, your dad, whoever, someone in your family had this movie."
Read: Taking selfies is “legitimately dangerous,” according to research
Pero hindi lang ang VHS copies ang kinokolekta niya.
"We also have the world's largest collection of Titanic the soundtrack on CD."
Pagmamalaki pa ni JD, "Ripley's Believe It or Not took me in, and I will be in the next book."
Hiling niya sa mga may VHS copies ng Titanic na willing i-let go, ipadala ito sa kanya sa: P.O. Box 5355 Largo, Fla., 33779.
Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder
