Habang lumalaki si Emma Lynn Dowd ng Connecticut, USA, iminulat siya ng kanyang parents sa mga panlalaking laro, gaya ng football.
Panlalaki rin ang kanyang mga laruan, gaya ng toy cars.
Sa loob ng dalawang dekada, buong akala ni Emma Lynn ay isa siyang lalaki.
Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies

Pagsapit niya ng 18 years old, natuklasan niya na mayroon siyang obaryo, at mayroon din siyang male at female sex organs.
Isa siyang hermaphrodite.
Ngayon ay 44 years old na si Emma Lynn.
Ibinahagi niya sa X (formerly Twitter) noong December 1, 2023 ang mga naging panayam sa kanyang ng iba’t ibang media outlets.

Read: How taxpayers can avail themselves of digital TIN ID
Sabi ni Emma Lynn, wala siyang idea kung bakit nagdesisyon ang kanyang parents na palakihin siya bilang lalaki.
Pero balewala na raw iyon sa kanya.
Aminado naman si Emma Lynn na habang lumalaki siya noon ay nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon.
Pakiramdam niya ay iba siya sa kanyang mga kalaro.
“My interests, desires, and thoughts were ‘girly.’”
Read: Taking selfies “legitimately dangerous,” according to research
Kaya ginagaya umano niya ang ibang batang lalaki para matuto siyang maging barako.
Hindi rin niya naramdaman na abnormal ang kanyang gender.
“I was always okay with how I looked, but I would always be accused of being a ‘chick.’”
Madalas din siyang ma-bully dahil napagkakamalan siyang gay.
Read: Mali, nag-iisang elepante ng Pilipinas, pumanaw na
DINATNAN NG PERIOD, UNTI-UNTING NAGKA-BOOBS
Mas nahirapan naman si Emma Lynn noong nasa high school na siya at sumapit sa puberty age.
Naramdaman at nakita na niya kasi ang mga senyales na isa siyang babae.
Nang agkaroon na siya ng menstruation at unti-unting na-develop ang breasts, binigyan siya ng testosterone tablets para mapigilan iyon.
Aniya, noong panahong iyon ay karaniwan lang ang naturang proseso.
“Some activists believe you should wait for the child to make the choice [of gender].”
Pero sa kaso niya, “It is just what my parents thought of doing at the time.”
Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas
COLLEGE NA NANG MATIYAK SA SARILING FEMALE SIYA
Pagsapit naman niya ng 18 years old at magkolehiyo na siya, na-realize ni Emma Lynn na iba ang kanyang anatomy kumpara sa ibang lalaki sa kanilang locker room.
Noon na niya tuluyang na-realize na isa siyang babae.
Halu-halo aniya ang kanyang naging emosyon.
“It validated the internal feelings and desires I had, and it confirmed for me that I wasn’t gay.”
Pero nagkaroon din siya ng malaking takot.
“I felt I had to hide my condition. I felt like a hybrid and a freak.”
Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas
NAGING BABAE DAHIL SA AKSIDENTE
Inakala ni Emma Lynn sa loob ng mahabang panahon na sobrang late na para ma-reverse ang kanyang gender.
Nagpakalalaki na lang siya.

Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya
Pero isang aksidente noong 2019 ang bumago sa takbo ng kanyang buhay.
Kukunin sana niya ang kanyang alagang aso sa playpen kung saan niya ito iniwan nang madulas siya.
Tumama ang kanyang ulo sa isang PVC pipe, at nabiyak.
Hindi siya nawalan ng malay at nagawa niyang makapunta sa ospital.
Habang ginagamot, sinabi umano sa kanya ng mga doktor na ang pagkakabagok ng ulo niya ay nagpapababa sa testosterone production ng kanyang katawan.
“I was confused, as I thought it was just a concussion.”
Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend
Para kay Emma Lynn, isang senyales iyon para ipagbigay-alam sa mga doktor ang kanyang kondisyon.
Sinabi naman sa kanya ng mga doktor na maaari na uli siyang maging babae kung gusto niya.
Isinailalim siya sa hormone replacement therapy (HRT) para maging babae muli.
Pagsapit ng 2021, mahaba na ang buhok ni Emma Lynn, nagkaroon na uli siya ng monthly period, at na-develop ang kanyang dibdib.
Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear
Ibinalik na rin ang pangalan sa Emma, na sadyang inilaan ng kanyang ina noon sa kanya.
Hindi na niya binanggit muli ang kanyang pangalan noong male pa siya.
Hindi na rin siya nagtanong sa kanyang parents kung bakit pinalaki siyang lalaki.
Aniya, “In my mind, they made a choice out of love. I do not blame anyone for it.”
Very supportive naman ang mga ito ngayon sa kanyang pagiging babae.
Wala rin siyang hang-up kung namulat man siya bilang lalaki.
Ani Emma Lynn, “Had I not had that experience, I couldn’t have seen life through a man’s eyes—which at times has proven to be extremely helpful.”
Sa ngayon, isa siyang photographer, artist, model, entrepreneur, and paranormal investigator.
Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors
