PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lola's Life After 1963 Lightning Strike

Hindi na kumain ng solid simula 26 years old siya
by KC Cordero
Published Dec 6, 2023
Photo of Bui Thi Loi
Ang 75 anyos na lola ay hindi na kumain ng anumang solid food sa loob ng 50 taon matapos siyang tamaan ng kidlat noong 1963. Sa halip, nakaka-survive siya sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at soft drinks.

Ipinagmamalaki ni Bui Thi Loi, 75, residente ng Loc Ninh, Quang Binh Province, Vietnam, na sa loob ng 50 taon ay hindi na siya kumakain ng solid food.

Nabubuhay lang umano siya sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at soft drinks.

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang edad at ng kanyang diet ay nasa magandang kondisyon ang kalusugan ni Bui.

Photo of Bui Thi Loi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iginiit din niya na simula nang sumapit siya sa edad na 26 hanggang ngayon, hindi siya nagke-crave sa anumang pagkain.

Read; KathNiel breakup memes go viral after Kathryn Bernardo and Daniel Padilla confirm split

THE STORY BEHIND LIQUID DIET

Sa artikulo na nalathala sa Oddity Central last November 29, 2023, ibinahagi ni Bui ang kakatwang nangyari sa kanya na sa palagay niya ay may kinalaman sa kanyang kakaibang diet.

Nagsimula aniya ito noong 1963.

Kasama siya ng iba pang kababaihang Vietnamese na umakyat sa kabundukan para gamutin ang mga sundalong sugatan noong kasagsagan ng US-Vietnam war.

Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

Sa kasamaang palad, aksidenteng tinamaan siya ng kidlat.

Nawalan umano ng malay si Bui.

Bagaman at nakaligtas, napakalaki aniya ng mga pagbabago sa kanyang buhay.

Nang magkamalay na siya, sa loob ng ilang araw ay hindi siya kumain.

Ang ginawa ng kanyang mga kaibigan para hindi siya tuluyang manghina ay pinainom siya ng tubig na may halong asukal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star

WOMAN WITH NO INTEREST iN SOLID FOOD

Simula noon, nawalan na talaga siya ng interes na kumain ng kahit na anong solid food.

At sa tuwing pinupuwersa siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan na kumain, napipilitan siyang kumain ng prutas.

Pagsapit ng 1970, tuluyan na siyang hindi kumain ng kahit ano, at umasa na lang sa tubig at soft drinks araw-araw.

Ang kanyang refrigerator ay laging puno ng mga bote ng tubig at matatamis na inumin.

Noong nagkaasawa at nanganak, nahirapan siyang mag-breastfeed kaya kinailangan niyang makiusap sa mga kakilalang ina na kapapanganak lang.

Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR

Photo of Bui Thi Loi

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki

Kuwento pa ni Bui, kapag nakakaamoy siya ng pagkain ay nahihilo siya.

Kaya sa tuwing ipinagluluto ang mga anak noong mga bata pa ang mga ito, hindi talaga siya tumitikim.

Simula naman nung nagkaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak, hindi na siya nagluto.

Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views

WHY BUI'S LIQUID DIET DOES NOT SEEM TO MAKE HER SICK

Kahit sinong doktor ay magsasabi na kailangan ang balanseng diet para makamit ang malusog na pangangatawan.

Pero ang kakaibang diet ni Bui ay sapat na raw para manatili siyang malusog at malakas.

Photo of Bui Thi Loi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque

Ayon sa mga doktor ng Department of Nutrition sa Vietnam-Cuba Friendship Hospital sa Dong Hoi, ang matamis na soft drinks ay nakakatulong para mabilis na mapalitan ang enerhiya ng katawan kung nakakaramdam ng panghihina, at nasusuportahan ang pag-function ng digestive system.

Pero binigyang-diin din ng mga ito na ang soft drinks ay mapanganib sa kalusugan ng tao at maaaring maging sanhi ng obesity, diabetes, high blood pressure, at cardiovascular diseases.

Naging viral ang kaso ni Bui.

Dahil hindi siya nagkakasakit o naoospital, ang kondisyon niya ay hindi scientifically verified.

Wala ring nagbigay-paliwanag kung may kinalaman nga ang kidlat sa diet niya.

Pero patotoo ng mga nakakakilala sa kanya, sadyang softdrinks at tubig lang talaga ang pagkain niya simula noong tamaan siya ng kidlat.

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 75 anyos na lola ay hindi na kumain ng anumang solid food sa loob ng 50 taon matapos siyang tamaan ng kidlat noong 1963. Sa halip, nakaka-survive siya sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at soft drinks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results