Dahil sa TikTok, natuklasan ng dalawang babae na kambal sila.
November 2021 nang makatanggap si Ano Sartania, 21, ng link ng isang TikTok video.
Mula ito sa kaibigan na nagtaka kung bakit nagpakulay ng buhok—naging color blue—si Ano.
Pero nilinaw ni Ano na hindi siya ang babae sa TikTok video.
Out of curiosity, inalam ni Ano kung sino ang babaeng may blue hair, na ang pangalan ay Tako Khvitia.
Isang netizen na kaibigan pala ni Tako ang nag-send ng contact information ng huli kay Ano.
Ito na ang unang hakbang para magkaroon ng ugnayan ang dalawang magkamukhang babae, sina Ano at Tako.
Di nagtagal, nadiskubre nilang kambal pala sila na pinaghiwalay noong mga sanggol pa lamang.
Nagkita silang muli after almost two decades.
HOW THE TWINS RECONNECTED WITH EACH OTHER
Ayon sa ulat ng La Repubblica, isang Italian newspaper, sina Ano at Tako ay nakatira sa Georgia, isang bansa na nasa gitna ng Europe at Asia.
Ipinost ni Ano ang TikTok video sa Facebook group na Vedzeb na mayroong 230,000 members.
Kilala ang FB group, na ang ibig sabihin ay “I’m looking for,” natutulungan nito ang Georgians na mahanap ang mga nawawala nilang biological parents mula pagkasilang.
Sa loob ng maraming dekada, mula 1950 hanggang 2000, maraming kaso ng pagbebenta ng mga sanggol sa mga mayayamang walang anak sa Georgia.
Read:
- Meet Ianne Gamboa, bar passer na first trans woman valedictorian ng PUP
- "Most Handsome Man" in Italy gives up modeling career to enter priesthood

THE REUNION OF LONG-LOST TWINS
Nagkaroon ng komunikasyon sina Ano at Tako at dito nila nadiskubreng kambal pala sila.
“I always had this feeling that someone was following me everywhere I went, every day I had the same dream of a little girl, dressed in black, asking me questions about my daily routine,' pahayag ni Ano sa La Repubblica.
Later on ay nalaman din ng kambal na mayroon pa silang kapatid na babae at lalaki, gayundin ang kinaroroonan ng kanilang ina na nakatira ngayon sa Germany.
Matapos ang reunion ng kambal, natuklasan nila ang iba pa nilang kadugo via DNA testing, gayundin ang kanilang ama.
Pero paano ba nagkawalay ang kambal?
Ayon sa ulat, isinilang ang kambal noong June 20, 2002, ng kanilang inang si Aza Shoni sa isang bayan sa Kirtskhi.
Na-comatose ang ina matapos ipanganak ang kambal.
Duda ang amang si Gocha Gakharia na hindi niya anak ang kambal, kaya ibinenta niya ang dalawang sanggol sa magkahiwalay na set ng parents.
Lumaki si Ano sa Tbilisi at si Tako sa Zugdidi. Mahigit limang oras ang layo ng dalawang lugar by train.
Nang magising ang kanilang ina, sinabi ng asawa nitong si Gocha na namatay ang kambal na sanggol.
Makalipas ang 19 years, magtatagpong muli ang kambal sa pamamagitan ng TikTok.
Ngayong ay nagpo-post ang kambal ng videos nila nang magkasama. Marami silang panahong kailangang bawiin.
Recently ay pumunta rin sila sa Germany para mag-shoot ng isang TV project ukol sa kanilang kuwento.
Sabi pa ni Ano, nais ng kanilang ama na bumawi sa kanila.
“But it will never happen,” ani Ano na halatang may sama ng loob dahil nagkahiwalay silang kambal dahil sa ama.
Read: Original painting, nabili for PHP200 at nakakuha ng PHP10M bid sa auction, napurnada ang benta
