PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

81-year-old lolo, walang tulog simula 1973

May malalang kaso ng insomnia.
by KC Cordero
Published Dec 8, 2023
Photo of Thai Ngoc
Fifty years nang hindi natutulog si Thai Ngoc simula nang tamaan siya ng matinding lagnat noong 1973. Posibleng mayroon siyang Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) sanhi ng naging karanasan niya noong Vietnam War.

Eighty-one years old na si Thai Ngoc, isang magsasaka na residente ng Quang Nam province sa Vietnam.

Araw-araw pa rin niyang binibisita ang kanyang farm sa Na Trang valley, at inaalagaan ang kanyang mga pananim.

Mayroon din siyang pond kung saan nagpapalaki siya ng mga isda.

Hindi tulad ng ibang magsasaka na nagpapahinga na kapag papalubog na ang araw, nagtatrabaho pa rin si Thai kahit gabi.

Photo of Thai Ngoc

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

Hindi umano siya nakakatulog, kaya itinutuloy na lang niya ang pagtatrabaho.

Kakatwa, ngunit simula noong 1973 ay hindi na raw siya natulog o nakaramdam man lang ng antok.

At sa kabila naman ng kanyang edad at hindi pagtulog ay malakas na malakas pa rin siya, ayon sa sa panayam niya sa online newspaper na Vietnamnet noong July 2023,

Sa katunayan, kaya pa niyang magbuhat ng isang sako ng abono na may bigat na 50 kilos noong edad 60 siya.

Nabubuhat niya ito noon at nailalakad nang mahigit apat na kilometro mula sa kanyang bahay hanggang sa kanyang taniman nang hindi nakakaramdam ng pagod.

Read: “Golden Voice” ng Philippine radio na si Manolo Favis, pumanaw na

CAUSED BY FEVER?

Kuwento ni Thai, nawala ang kanyang kakayahang matulog, o kahit man lang pagdalaw ng antok, simula nang magkaroon siya ng matinding lagnat noong 1973.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula noon, nagpatuloy na ang kanyang kondisyon kahit pa kumunsulta siya at humingi ng gamot—gaya g sleeping pills—sa mga doktor sa Da Nang Hospital.

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies

Ang sleep deprivation na nararanasan ni Thai ay karaniwang nagpapakita ng iba’t ibang sintomas, gaya ng pagkairita, impaired cognitive function, kawalan ng konsentrasiyon sa ginagawa, at sobrang pagkapagod.

Ang mga sintomas na ito ay mas lumalala pa the more na hindi nakakatulog sa loob ng maraming araw.

Photo of Thai Ngoc inside his hut

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero lumalabas na isang “anomaly” ang kaso ni Thai dahil naka-adapt siya sa buhay na hindi kailangang matulog.

At sa kabila niyon, nananatiling malusog ang kanyang pangangatawan.

Read: Taking selfies “legitimately dangerous,” according to research

ILL EFFECTS OF NO SLEEP

Gayunpaman, ang kakaiba niyang sakit kahit pa walang malaking epekto sa kanyang pangkalahatang kalusugan ay isang malaking frustration para kay Thai.

Aniya, may mga pagkakataon ding nabuburyong siya.

Hindi niya maunawaan kung bakit ganito ang kondisyon niya.

Pag-amin pa niya, naiinggit siya sa mga kapamilya kapag nakikita niyang mahimbing na mahimbing ang pagtulog ng mga ito.

Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas

Dagdag pa niya, pag maliwanag o kaya ay kabilugan ng buwan ay nasa farm siya para maghawan ng mga damo o kaya ay magtanim para magpalipas ng oras.

Nahihirapan kasi siya kapag nakaupo lang pag gabi at ayaw namang dalawin ng antok kahit nakahiga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang higit aniyang nakaka-frustrate na kahit doble ang ginagawa niyang sipag dahil araw at gabi siya kung magtrabaho, hindi naman umunlad ang kanyang buhay.

Sinubukan din ni Thai na uminom ng alak sa pagbabakasakaling makatulog siya, pero kahit hilo at lasing na, hindi pa rin siya antukin.

Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award

INTERNET SENSATION SINCE 2007

Kahit tahimik ang buhay ni Thai ay sumikat siya sa buong mundo nang ibalita ng Vietnam local news outlet ang kanyang extreme case of insomnia noong 2007, at na-pickup ito ng international media.

Ilang foreign television networks ang nag-alok sa kanya ng kontrata at binabayaran siya para idokumento ang kanyang pang-araw-araw na buhay, pero tinanggihan niya ang mga ito.

Photo of Thai Ngoc being interviewed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Katuwiran niya, ayaw niyang magmukhang isang eksperimento.

Isa pa, ang tingin aniya sa kanya ng mga ito ay may sira ang kanyang ulo kaya siya hindi natutulog.

Noong February 2023, sinamahan si Thai ng YouTube vlogger na si Drew Binsky sa loob ng 24 hours.

Naobserbahan ng YouTuber na pagsapit ng alas kuwatro ng madaling araw ay tinangka ni Thai na matulog, pero hindi pa rin nangyari.

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear

Photo of Thai Ngoc trying to sleep

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napatunayan nito na hindi talaga natutulog o dinadapuan man lang ng antok si Thai.

Nagpapasigla naman sa katawan ng lolo, ayon sa YouTuber, ang pag-inom ng green tea at rice wine.

Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya

POSIBLENG MAY TRAUMA DAHIL SA VIETNAM WAR

Isa sa mga theory na ibinigay ng mga doktor na tumingin noon kay Thai ay ang posibilidad na mayroon siyang Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) sanhi ng naging karanasan niya noong Vietnam War.

Ang madugong digmaan sa pagitan ng Vietnam at U.S. ay tumagal mula 1955 hanggang 1975.

Ang PTSD ay isang disorder na nade-develop sa isang taong nakaranas ng sobrang nakakatakot o mapanganib na pangyayari. Isa sa mga epekto nito ay laging gising ang diwa.

Naiulat na noong panahon ng Vietnam War, bata pa lamang siya noon, malubhang nasugatan ang isang kamay ni Thai.

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fifty years nang hindi natutulog si Thai Ngoc simula nang tamaan siya ng matinding lagnat noong 1973. Posibleng mayroon siyang Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) sanhi ng naging karanasan niya noong Vietnam War.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results