Matagal nang nakatatanggap ng impormasyon ang Carabinieri (Italian police) na may nagaganap na talamak na bentahan ng droga sa Foce, isang busy district sa Genoa, Italy.
Gayunpaman, walang makuhang matibay na lead ang mga pulis, at wala ring matukoy na suspek.
Isang investigative unit ang binuo para makakuha ng mas maraming impormasyon.
Maging ang pinakamalaking police station sa district ay naglatag ng surveillance teams para magmanman ng mga kahina-hinalang aktibidad.
Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend
Isa sa team ng pulisya ang nakapansin sa kakaibang aktibidad ng isang barber shop.
Ang barbero rito ay 55 anyos na. Hindi na ito pinangalanan ng mga awtoridad.
Sa ulat ng La Repubblica, isang Italian media, noong December 2, 2023, naobserbahan ng pulisya na napakaraming kliyente ng barber shop ng 55 anyos na barbero.
Read: Meet Cob Mojares: First ECE board topnotcher from Cavite State University
Iba-iba ang edad ng mga kliyente, at kapansin-pansin na magkakaiba rin ang katayuan sa buhay.
Pero nakapagtataka na ang karamihan sa mga kliyente ay kalbo, at wala ring bigote—kaya bakit sila nagpupunta sa barber shop?
Hindi rin nagtatagal sa loob ng barber shop ang mga ito.
Napansin din ng pulisya na ang mga kalbong customer na na-identify na nila ay paulit-ulit na nagpupunta sa barber shop.
Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear
Nagsimulang magduda ng mga awtoridad.
Nagsagawa ang pulisya ng raid sa barber shop noong December 1.
Doon na natuklasan na hindi talaga magpagupit o magpaahit ang pakay ng mga customers na wala namang buhok at bigote kundi ang bumili ng drugs.
At kung meron mang nagpapagupit talaga, customer din ang mga ito para sa droga.
Lumalabas na front ang barber shop para sa bentahan ng drugs.
Sa mezzanine ng barber shop ay nakakumpiska ang pulisya ng 100 grams ng cocaine, apat na digital na timbangan, at mga gamit sa pagre-repack ng droga.
Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder
Sinalakay rin ang bahay ng barbero at nakakuha ang mga pulis ng ilang gramo ng marijuana.
Napag-alaman din sa imbestigasyon na malaki ang koneksyon ng barber shop sa drug ring sa distrito.
May kasamahan noon ang 55 anyos na barbero na 19 anyos pa lang, pero pinatay at pinutol ang ulo bago itinapon ang bangkay sa dagat nang magpaalam ito na ayaw masangkot sa drug dealing activities sa barber shop.
Napag-alaman din na ang 55 anyos na barbero ay may kontak sa mga preso sa iba’t ibang bilangguan, at palihim na naghahatid sa mga ito ng droga.
Kasalukuyan nang nakapiit ang barbero, at naghihintay na lang ng hatol ng hukuman.
Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors
