Last December 7, 2023 ay nanghingi ng payo sa netizens ang Reddit user na si Still-Stormy.
Ang kanyang problema, pinaaalis na sa inuupahang apartment ang kanyang anak na babae.
May asawa na ito at kapapanganak pa lang.
Dumoble ang renta sa inuupahan ni Still-Stormy, at hindi na kakayanin ang magbayad.
Ayon kay Still-Stormy, lagi namang welcome ang kanyang anak sa kanyang tahanan, though medyo kumplikado ang sitwasyon dahil may baby na ito.
Pero hindi welcome ang kanyang manugang. Malaki kasi ang kanyang disgusto sa lalaki.
Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit
MAINITIN ANG ULO, IMMATURE AT SELOSO ANG MANUGANG
Kuwento ni Still-Stormy kung bakit, 22 anyos pa lang ang kanyang anak nang mabuntis ng kanyang manugang.
Hindi siya masaya na maaga itong nagkaanak at nagkapamilya.
Ang kanyang manugang ay nasa mid-30s na. Bukod sa malaki ang tanda nito sa kanyang anak, may criminal history rin ito at mabilis magalit kahit sa pinakamaliit na rason.
May trabaho naman ito sa isang construction.
Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973
Paglalarawan niya sa manugang sa kanyang Reddit post, "Chronically immature and has one hell of a jealous/possessive streak that has caused strain in their relationship."
Hindi umano niya ito iniimbita man lang sa kanyang bahay para maghapunan, lalong hindi niya ito gustong makasama araw-araw.
Ibinahagi rin ni Still-Stormy na inakala niyang tatakasan ng kanyang manugang ang kanyang anak nang malaman nito na nagdadalantao.
Pero lalo umano itong naging clingy sa kanyang anak, at mahigit isang taon nang kasal.
Diin pa ni Still-Stormy, "I don't like him. I don't want him around me. I'd go above and beyond for my daughter and the baby; they can stay as long as they need—but not him."
Read: Meet Jigger Geverola: Bar passer behind bars; mastermind sa pawnshop robbery
MANUGANG NAGING SANHI NG GAP NG MAG-AMA
Naging dahilan din iyon ng gap sa pagitan nilang mag-ama, lalo pa at ayaw nitong hiwalayan ang mister.
Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963

Habang papalapit na ang petsa ng pagpapaalis sa kanyang anak sa inuupahan nito, naging madalas ang pakiusap nito na tanggapin niya.
"I told her she needs to figure out alternative arrangements.
"This led to a lot of tears and some angry words. I also have to think about myself and my own sanity."
Read: Lalaki natuklasan ang masakit na katotohanan sa pagbunot sa apat niyang ngipin
‘A BABY ALWAYS TAKES PRECEDENCE.’
Ayon kay Dr. Michele Borba, isang California-based educational psychologist and parenting expert, “tricky” ang sitwasyon ni Still-Stormy.
Nauunawaan umano niya ang desisyon ni Still-Stormy, lalo pa at gusto nitong protektahan ang mga sariling karapatan.
Ani Borba, “Anger issues and criminology are never treated lightly."
Pero pasubali niya, “When a baby is involved, the terms change. A baby always takes precedence."
Aniya, dapat payagan ni Still-Stormy na tumira sa piling nito ang anak, apo at manugang—pero dapat ay may malinaw na guidelines.
Payo niya, dapat ay may legal na kasunduan sa mga guidelines na itatakda ni Still-Stormy sa kanyang pamamahay—kabilang ang mga gawi ng manugang na ayaw na ayaw niya.
Kung hindi makasusunod ang manugang, wala itong karapatan na manirahan sa bahay ni Still-Stormy.
Pahayag pa ni Borba, "Decisions are always better if planned before the problem occurs."
Read: KathNiel breakup memes go viral after Kathryn Bernardo and Daniel Padilla confirm split
NETIZENS KUMAMPI KAY STILL-STORMY
Karamihan naman sa Reddit users ay sang-ayon kay Still-Stormy kung bakit ayaw nitong makasama ang manugang.
Anang isang user patungkol sa anak ni Still-Stormy, "If she’s adult enough to get pregnant and get married, she’s also adult enough to figure things out.
“Either she accepts your terms [it’s your house!] or they can stay with friends or his family. Can’t have it both ways."
Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies
Komento naman ng isa pa, "If she moves in, get her to sign a 'lease.' She doesn’t need to pay you for anything but state in it [that her husband] isn’t allowed on the property."
Dagdag pa nito, "You may come home one day to him moved into your home. If it’s in writing, you can get him removed easier than if it’s not."
Gayunpaman, sa updated post ni Still-Stormy ay sinabi niyang pinayagan na niya ang kanyang anak at apo na tumira sa kanyang bahay—maging ang kanyang manugang.
Aniya, na-realize niyang importante na buo isang pamilya.
Nagpasalamat din siya sa mga Reddit users sa pagbibigay ng atensyon sa kanyang post.
Read: Taking selfies “legitimately dangerous,” according to research
