Na-shock ang isang empleyada matapos makatanggap ng baked potato bilang Christmas bonus mula sa kanyang kumpanya.
Lalo siyang na-shock nang malamang kakaltasan pa siya ng tax.
Ang kakatwang insidente ay ibinahagi ng X (formerly Twitter) user na si @amandajpanda o Amanda B.

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet
Ani Amanda sa kanyang tweet last December 12, 2023, published as is: "My work is doing a potato bar as our Christmas bonus. I'm literally getting a hospital potato as a bonus."
Dagdag pa niya, "They also said it has a $15 [PHP 835.08] value, so it will be taxed on our next check. Does anyone need an assistant so I can just quit right now?"
Ibinahagi rin niya ang larawan ng aniya ay "$15 taxed potato."
Paliwanag pa ni Amanda tungkol sa natanggap na Christmas bonus, "A potato bar is baked potatoes with toppings.”

Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless
Ibinahagi rin niya na ang unang plano ay frito pies dapat ang ibibigay na Christmas bonus ng kanilang kumpanya.
Pero pinalitan iyon ng baked potato dahil, “Frito pies were too expensive because the turkey chili would cost too much.”
Bukod dito, may kasama raw kasing beverage bar of water, hot chocolate, and apple cider ang frito pies kaya hindi puwede sa drink policies ng kumpanya.
Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot
Gayunpaman, mas mainam pa rin ani Amanda ang baked potato kaysa sa natanggap niyang Christmas bonus noong 2022.
Last year daw kasi ay nagkaroon lang sila ng 30-minute video conference call with the executives.
At press time, ang tweet ni Amanda ay nakakuha na ng 48K reactions at halos 1K comments.
Ayon sa isang nagkomento, nakapagtataka na kailangan niyang ideklara as income ang natanggap na baked potato.

Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper
Sambit naman ng isang netizen, wala siyang alam na lugar sa mundo na ang presyo ng baked potato ay US$15.
May nagsabi rin na ang natanggap ni Amanda ay “worst Christmas gift of 2023.”
May nagbiro pa ng, "This sounds like an episode of The Office. We need a part two. I am emotionally invested at this point."
May mga nagpayo naman kay Amanda na magsimula ng riot sa office at awayin ang management.
Sagot naman ng empleyada, “I need my job.”
Pero ano kaya ang reaksiyon ng kumpanya sa viral tweet niya?
Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter
