PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ulam na Baboy, Sinunog na Bahay

Bahay ng kanyang mga magulang, nadamay rin.
by KC Cordero
Published Dec 22, 2023
The suspect
Nahaharap sa kasong arson and physical injuries ang suspek matapos sunugin ang kanyang bahay dahil hindi siya nasarapan sa iniulam na nilagang baboy.

Sinunog ng isang lalaki ang kanilang tahanan sa Balamban, Cebu, noong December 17, 2023.

Ang dahilan—hindi siya nasarapan sa kanilang ulam.

Ayon sa ulat ng Super Radyo Cebu, nakilala ang suspek na si Gerald Balsa, 39.

Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na hindi nagustuhan ni Gerald ang pagkakaprepara at pagkakaluto sa nilagang baboy.

May amoy rin umano ito.

Hindi na binanggit kung sa bahay niluto ang nilagang baboy o kung binili lang ito.

Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax

The suspect's burned down house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet

Ayon kay Fire Officer 2 Fritz Desierto ng Balamban Fire Station na nag-imbestiga sa naganap na sunog, matapos kumain ay pumasok ang suspek sa kuwarto, at sinindihan ang kama gamit ang isang lighter.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

Dahil dito, natupok ang bahay ng nila, at nadamay rin ang bahay ng kanyang mga magulang.

Napaso rin ang kanang paa ng kanyang ina, na agad namang naisugod sa pagamutan.

Umabot sa mahigit PHP400,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Agad naaresto ang suspek na nahaharap sa mga kasong arson and physical injuries.

Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahaharap sa kasong arson and physical injuries ang suspek matapos sunugin ang kanyang bahay dahil hindi siya nasarapan sa iniulam na nilagang baboy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results