TRIGGER WARNING: VIOLENCE
A taste of its own medicine.
Ito ang naranasan ng isang ahas na namatay matapos kagatin ng kanyang biktimang si Boljulio Aleria.
Napaulat ang insidente sa Antequera, Bohol, noong Miyerkules, December 20, 2023.
Sa ulat ng News5 Everywhere, idinetalye kung paano ginantihan at pinatay ni Boljulio ang ahas.
Duguan din si Boljulio at maraming kagat ang tinamo ng kanyang kaliwang kamay.
Read: Prenup shoot romanticizing violence? Bride-to-be speaks up
Noong araw na iyon, habang sakay ng kanyang motorsiklo, may nakasalubong umano siyang ahas sa daan.
Huminto ang lalaki sa kalsada para hayaang makadaan ang ahas. Subalit sinugod at tinuklaw siya nito.
Kuwento ni Boljulio, buti na lang daw at hindi siya kinagat ng ahas sa paa.
“Hinila ko yung ahas, pero nagpupumiglas kaya nasugatan ako dito,” pagtukoy ng lalaki sa kanyang kamay.
Nang pumulupot sa kanya ang ahas, mabilis na naisip ni Boljulio kung ano ang gagawin.
“Hinawakan ko sa isa kong kamay yung ahas kaya doon kinagat ko yung leeg. Kung hindi ko iyon kinagat mapapatay ako. Kung masugatan ko lang ang leeg ng ahas, luluwag ang pagkakapit ng ahas,” kuwento ng biktima.
“Nung pagkagat ko, nakuha ko ang balat. Doon sunud-sunod ko nang pinagkakagat ang ahas.”
Nakuhang mapatay ni Boljulio ang ahas sa loob ng sampung minuto.
Matapos nito ay agad siyang isinugod sa ospital sa Tagbilaran City.
Ang biktimang si Boljulio Aleria habang ikinukuwento kung paano siya kinagat ng ahas.
Read: Gimik nauwi sa trahedya dahil sa kawalan ng masakyang taxi
Sa mga lumabas na larawan, makikitang halos maligo sa dugo si Boljulio.
May mga kagat at dugo rin ang kamay nito.
Sinabi naman ng mga awtoridad na isang reticulated python ang tumuklaw kay Boljulio.
Hindi ito makamandag at karaniwang nakikita sa Asya. Ito rin ang world’s longest snake.
Agad naman daw inilibing ang ahas matapos itong masawi.