PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pregnant in 2 uteruses, woman births babies on separate days

Puwede ba silang tawaging twins?
by KC Cordero
Published Jan 3, 2024
Kelsey and her babies
Pambihira ang kaso ni Kelsey Hatcher na dalawa ang uterus na pareho ring nabuntis. Sa kabila ng pagiging high risk ng ganitong pregnancy, maayos niyang nai-deliver ang dalawang babies sa magkaibang petsa.

Nanganak na si Kelsey Hatcher ng Alabama, USA, ang babaeng may dalawang uterus.

Ang kanyang dalawang uterus ay parehong nag-develop ng baby sa panahon ng kanyang pagbubuntis.

Nailathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kakaibang kaso ni Kelsey noong November 23, 2023.

Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Parehong babae ang kanyang naging anak. Iniluwal niya ang mga ito sa magkaibang petsa.

Twenty hours nag-labor si Kelsey.

Una niyang ipinanganak si Roxi noong December 19, 2023.

After 10 hours naman niya niya nai-deliver si Rebel.

Read: Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan

Kelsey and her babies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Star Wars files plagiarism lawsuit against carwash in Chile called Star Wash

Sa inilabas na pahayag ng University of Alabama at Birmingham (UAB) Hospital kung saan siya nanganak, ani Kelsey, “...bringing our two healthy baby girls into this world safely was always the goal, and UAB helped us accomplish that."

Dagdag pa niya, "It seems appropriate that they had two birthdays, though. They both had their own 'houses,' and now both have their own unique birth stories."

Read: Anak niregaluhan ang ama ng sports card na ibinenta 30 years ago para masuportahan ang pamilya

Si Kelsey ay na-diagnose na may double uterus—na tinatawag ding uterus didelphys—nong 17 years old siya.

Ang ganitong rare congenital anomaly ay nangyayari lang sa 0.3 percent ng kababaihan.

Bago ang panganganak kina Roxi at Rebel, nagkaroon na ng tatlong anak si Kelsey.

Read: 5 pasahero sugatan sa EDSA Busway accident; bus na sinakyan, umiwas sa sumingit na police car

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kelsey's babies

Read: Disenyo ng Russian-made electric car prototype, naging katatawanan sa Internet

Pero ito ang unang pagkakataong na-develop ang babies sa kanyang magkabilang uterus.

Ang tawag sa medical phenomenon na ito ay dicavitary pregnancy, na posibleng mangyari lang “in an estimated one-in-a-million chance” ayon sa kanyang obstetrician na si Dr. Shweta Patel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa sa doktor, “Very, very rare. Some obstetrician-gynecologists go their whole careers without seeing anything like this."

Ang ganitong pagbubuntis ay itinuturing din na high-risk.

Read: Islander Factory Outlet in Cebu closing down on New Year's Day

Pero maituturing bang kambal sina Roxi at Rebel?

Ayon kay Dr. Patel, complicated ang tanong na ito dahil nagmula ang magkapatid sa magkahiwalay na obaryo at magkaiba rin ang birthday.

Ang tipikal na kambal umano ay kailangang magkasama ang babies sa iisang uterus.

Sa kaso ni Kelsey, magkahiwalay ng uterus sina Roxi at Rebel. Dalawang eggs ang na-release at na-fertilize sa magkaparehong ovulation cycle.

Mas safe umano na tawagin ang dalawa na fraternal twins.

Read: Vase na nabili lang ng PHP220, nabenta ng almost PHP6M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pambihira ang kaso ni Kelsey Hatcher na dalawa ang uterus na pareho ring nabuntis. Sa kabila ng pagiging high risk ng ganitong pregnancy, maayos niyang nai-deliver ang dalawang babies sa magkaibang petsa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results