Isang four-year-old boy ang nagregalo ng gold bar na nagkakahalaga ng PHP835,140 sa kanyang kaklaseng babae sa nursery school.
Isa raw itong “engagement gift.”
Ang cute incident na ito ay iniulat ng Indian news website na NDTV last January 7, 2024.
Naganap ito noong December 22, 2023 sa Guang'an, Sichuan province, southwestern China.
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng mga veterinarians
Excited na ipinakita ng batang babae sa kanyang parents ang natanggap na gift.
Pero na-shock at na-confuse ang parents, na agad kinontak ang mga magulang ng batang lalaki para isoli ang gold bar.
Read: Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024
Saka nalaman ang istorya sa likod ng "engagement gift."
Bago nangyari ang insidente, sinabihan umano ng mga magulang ang batang lalaki na ang gold bars ay para sa future wife nito.
Read: Brunei Prince Abdul Mateen, ikakasal na; 10 days idaraos ang magarbong royal wedding

Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo
Marahil, nagandahan ang batang lalaki sa batang babae kaya binigyan niya ito ng gold bar.
Ayon sa nanay ng batang babae, “They didn't expect him to secretly take them out and give them to our daughter.”
Kaya pinayuhan niya ang kapwa parents na bantayan ang kanilang mga anak—lalo na kung boy—para hindi maulit ang ganitong pangyayari.
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa adorable story ng dalawang bata.
Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days

Read: Senior High School program sa state and local universities and colleges, ititigil na
Komento ng isa, “This little boy has guts. Just casually giving away 200 grams of gold like that.”
Ma mga nag-share din ng kanilang anecdote.
Isa sa kanila ay binigyan daw ng kanyang mother-in-law ng bracelet.
Nakita umano iyon ng kanyang anak na batang lalaki, at itinanong sa kanya kung puwedeng hingin niya ito para ibigay sa kaklaseng babae.
Sabi ng netizen, “I suppose I should be ‘grateful' he thought to ask me first.”
Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023
May nagkuwento rin tungkol sa anak niyang babae na first year high school at binigyan ng isang male classmate ng PHP1,500.
“I promptly returned the money to the boy's parents that same evening.”
Read: Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan
Noong May 2023, sa China pa rin, kinuha ng isang batang lalaki na nasa kindergarten ang gold bangle ng ina at dinala sa school.
Nakita iyon ng kanyang teacher, na agad ipinagbigay-alam sa ina ng batang lalaki.
Pinayuhan din nito ang ina na ingatan ang mga alahas para hindi mapakialaman ng anak.
Nang tanungin naman ng ina ang batang lalaki kung bakit nito kinuha ang kanyang bangle, ang sabi raw sa kanya ay ireregalo sana ito sa kaklaseng babae na sobrang bait.
Read: Star Wars files plagiarism lawsuit against carwash in Chile called Star Wash
