Manghang-mangha ang marami sa kumalat na photos at videos ng libu-libong pelagic sardines o tamban na inanod sa isang dalampasigan ng Sarangani noong Linggo, January 7, 2024.
Halos magkulay silver ang kapaligiran sa di mabilang na tamban na ilalagay na lamang ng mga residente sa kanilang mga balde, timba, at batya.
Nangyari ito sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani province.
Para sa marami, isa itong malaking biyaya mula sa dagat.
Pero hindi kaya ito senyales na may paparating na sakuna?
Read: Peregrine falcon spotted in Makati City; netizens have mixed reactions


Residents in Maasim, Sarangani look on as a sea of silver sardines jump along the shoreline last weekend.
Para kay Cirilo Lagnason Jr., researcher ng Department of Environment and Natural Resources-Soccsksargen Region (DENR-12), mas itinuturing niya itong biyaya.
“What is better than a morning with the bountiful school of fish flooding the shoreline? Indeed, a bountiful Sarangani Bay,” ani Lagnason sa ulat ng Philippine News Agency, January 8, Lunes.
Aniya, ang insidente ay marahil dulot ng tinatawag na upwelling.
Paglalarawan niya, “[A]n ocean process in which colder water is pushed towards the ocean surface, bringing nutrients, including plankton, the diet of these juvenile fish.
“As a result, the fish were trapped in shallower areas, making them easier to catch.”
Ang ganitong phenomenon ay nangyayari rin sa Zamboanga, Masbate, at Maguindanao del Norte provinces.
“These fish may still be edible as long as they are consumed immediately or preserved,” paalala ni Lagnason.
Iba naman ang kutob ng isang residente ng Maasim na si Mark Baya, na sinabing ang pagdagsa ng mga isda sa kanilang dalampasigan ay posibleng “advance notice.”
Pero kabig niya, “My fear may be baseless, but who knows.”
May mga probinsiyang ganito rin ang paniniwala.
Dalawang araw matapos dumagsa ang mga tamban sa Maasim, isang lindol ang yumanig sa Sarangani.
Read: Meet TikToker who destroys expensive designer bags for good reason
EARTHQUAKE SHAKES SARANGANI; NETIZENS CONNECT IT TO JAPAN QUAKE
Noong Martes ng umaga, January 9, niyanig ng 6.7-magnitude earthquake ang Sarangani, pagkumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Unang iniulat na 7.1-magnitude ang lindol, pero later on, klinaro ng Phivolcs na ito ay 6.7 matapos magkaroon ng recalculation.
Naramdaman ang pagyanig sa mga bayan ng Malungon, Alabel, at Kiamba.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.
Samantala, ilang netizens sa Facebook ang nag-post ng mga babala bago nangyari ang lindol sa Sarangani.
Batay sa timeline, ang petsa ng mga posts ay isa o dalawang araw bago naganap ang pagyanig.
May mga panawagan pa na, "Pray for Sarangani."
Narito ang ilang FB posts ng ilang kababayang netizens na nagbabala kasunod ng pagdagsa ng mga tamban sa dalampasigan ng Sarangani.




Ganito rin daw kasi ang nangyari sa Japan.
Napaulat sa foreign sites noong December 19, 2023, ang pagkamangha ng Japanese officials sa 1,200 toneladang isda na napadpad sa dalampasigan ng Hokkaido.
Pero noong January 1, 2024, nangyari ang 7.6 earthquake na kumitil sa buhay ng higit 200 katao.
At press time, higit sa 100 pa ang nawawala.
