Kung may nangge-gatecrash sa mga kasalan para makakain nang libre, may wedding naman na nang-gatecrash sa isang coffee shop para makalibre sa venue.
Ang kakatwang insidente ay naganap noong December 31, 2023, at iniulat ng New York Post noong January 8, 2024.
Nagulat ang management ng Mansion Society, isang coffee shop sa Indianapolis, Indiana, nang biglang pumasok ang nasa 30 katao.

Read: 13-yeal-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches
Kasama sa grupo ang officiant para sa kasal pati na rin photographers.
Saglit pa ay pumasok ang isang napakagandang bride at idinaos ang seremonya ng kasalan.
Ayon sa Mansion Society, natulala ang mga staff na walang kamalay-malay kung ano ang nangyayari.
Ginawa umanong parang chapel ang coffee shop.
Read: 4-year-old boy, nagregalo ng gold bar worth PHP835K sa babaeng classmate as “engagement gift”

Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng mga veterinarians
Hinarangan din ng mga kasama sa kasalan ang entrance, kaya nagmistulang reserved ang venue, at walang makapasok na customers.
In fairness, hindi naman pinaalis ang mga customers na nasa loob na. Yun nga lang, hindi sila maasikaso ng staff, kasi, nagmistulang party caterers ng wedding guests ang staff ng coffee shop.
Ayon sa management, “They were asking us to take coats, purses and watch personal items as if they had rented us out for a personal event.”
Read: Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024
Maging ang parking area ay puno.
Sa loob din ng mahigit 20 minuto ay nagdaos ang grupo ng photo shoot, kaya lalong walang nakapasok na customers.
At nang sabihan umano na umalis na ang grupo dahil naaabala ang negosyo, ang sagot ng photographer, “No. Wait at least five minutes.”
Read: Brunei Prince Abdul Mateen, ikakasal na; 10 days idaraos ang magarbong royal wedding
LOCATION OF MANSION SOCIETY COFFEE SHOP
Ayon sa top brass ng coffee shop na hindi na pinangalanan, hindi niya inasahan na ganito kalala ang mangyayari sa knot-tying pop-up.
Buong akala niya noong una ay tapos na ang kasalan dahil may katabi silang wedding venue, at inisip niyang magkakape sa kanila ang grupo.
May mga pagkakataon aniya na kapag tapos na ang kasalan sa kabilang venue, may mga guests na nagkakape naman sa Mansion Society.
Hindi na rin nagawang pigilan ng staff ang seremonya dahil busy naman ang mga ito sa pagkuha ng orders at pagtitimpla ng drinks sa mga totoong customers bago pa nangyari ang knot-tying pop-up.
Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo
SHOULD THE COFFEE SHOP CHARGE EXTRA TO THE NEWLYWEDS?
Matapos ang insidente ay nag-reach out ang management sa bride sa pamamagitan ng email.
Nag-offer naman umano ang bride ng US$200 o PHP11,263 na donasyon sa coffee shop dahil sa abala.
Pero ipinaliwanag ng management na ang charge ng Mansion Society sa private events ay US$500 (PHP 28157.75 )—at kailangan na ang amount na iyon ang bayaran nito—considering na mahigit isang oras na naabala ang negosyo.
Pero sagot umano ng bride ay “unreasonable” ang hinihingi ng coffee shop.
Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days
Pakiramdam ng management, hindi na magbabayad ang mga ikinasal, lalo pa't sinabi umano ng bride na walang mali sa ginawa nila.
Gayunpaman, nagpadala pa rin sila sa bride ng invoice.
“We will wait for a payment from the bride to hopefully leave this in the past.”
Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023

Read: Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan
Isa pang aksiyon na ginawa ng Mansion Society ay naghain ito ng reklamo sa Central State, ang leasing manager ng katabi nitong wedding venue.
Hindi rin pala kumuha ang newlyweds ng permiso na mag-photo shoot sa building kaya sa loob ng coffee shop iyon isinagawa.
Paalala ng Mansion Society sa iba pang magpapakasal sa katabing venue, “Please be considerate and consider booking us for a private event rather than showing up and taking control of our small business with no notice or any sort of monetary prearrangement.”
Read: Anak niregaluhan ang ama ng sports card na ibinenta 30 years ago para masuportahan ang pamilya
