Kinilig ang netizens sa Facebook post ni Chester Dela Rea Jr. last January 2, 2024.
Ang kanyang post, published as is: “Wag ka na magalit Eunita Jean Puspos Barcelona ayan pina tarpaulin na kita Happy 2nd Monthsary!!!”
Kalakip ng post ni Chester ang tarpaulin na nakasabit sa bakuran ng isang bahay.
Ang tarpaulin ay may larawan ng nobya niyang si Eunita at nakasulat na: "Happy 2nd monthsary to my baby."
Read: 13-yeal-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches

Read: 4-year-old boy, nagregalo ng gold bar worth PHP835K sa babaeng classmate as “engagement gift”
Pagbabahagi ni Chester nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong January 10, 2024 via Facebook Messenger, naging mag-on sila ni Eunita last November 2, 2023.
Si Eunita ay isang Sangguniang Kabataan councilor.
Dagdag pa ni Chester, “Siya po ay teacher sa isang private school po rito sa General Trias City sa Cavite.
“Sa Centennial Academy of the Blessed Trinity po.”
Hindi na sinabi kung ano ang cause ng tampo, pero nagpagawa si Chester ng tarpaulin para suyuin si Eunita.
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng mga veterinarians

Read: Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024
Madali lang para sa binata ang ganitong pakilig na effort.
“Ako po ay self-employed. May tatakan po ako na Mile High Printing.
“Bukod dito, may clothing business din po ako, ang Mile High Clothing.”
Pagtatapat niya, first boyfriend siya ni Eunita.
Aniya, madalas kiligin ang kanyang nobya sa mga fictional characters.
“But it’s her first time na ma-experience yung genuine kilig sa non-fictional character—sa akin na unang boyfriend niya.”
Sabi pa umano ni Eunita, parang iniligtas daw niya "ang mundo noong past life...to be loved like this."
Pero seryosong sambit ni Chester, masaya si Eunita sa mga ganitong effort ng pagpapakilig niya sa nobya.
Read: Brunei Prince Abdul Mateen, ikakasal na; 10 days idaraos ang magarbong royal wedding

Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo
Ang post ni Chester ay nakakuha na ng 38K reactions, 3.6K comments, at 14K shares.
Pero ginawa niya ang tarpaulin “for love” at hindi para maging viral ang kanyang post.
“May mga nababasa kasi kaming comments na nagsasabi na for clout.”
Aniya, puwede namang hindi pansinin ng iba ang kanyang post, kaya bonus na lang daw na maraming natuwa.
Nagpapasalamat din si Chester sa mga nag-wish na maging forever ang pagmamahalan nila ni Elenita.
Dahil din sa pagiging viral ng tarpaulin, sa kanyang Facebook post last January 6 ay biniro ni Chester si Elenita.
Aniya sa nobya, “Bawal na talaga tayong maghiwalay.”
Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days
