PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki, Nagnakaw ng Cologne Para sa Walang Linggo

Sekyu, in-spray-an sa mata para makatakas.
by KC Cordero
Published Jan 16, 2024
The suspect
Pamilyar na umano sa security guard ang suspek dahil madalas itong nasa loob ng grocery store. May mga kasama rin ito sa ginagawang pagnanakaw.

Naaresto ang isang lalaki sa Bacolod City matapos nitong magnakaw ng cologne sa isang grocery store.

Hindi na binanggit ang pangalan ng suspek.

Sa video na ini-upload ng GMA News last January 15, 2024, sinabi ng security guard na si Milandro Diero na naaktuhan niya ang pagnanakaw ng suspek.

Nang lapitan niya ito, tinangka nitong tumakas.

Read: Why this photo is deemed "perfect shot" by NASA, netizens

The suspect

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP OUTTAKES: No to another Mali, "the loneliest elephant in the world"!

Ani Diero, “Ini-spray-an niya ako sa mata.”

Kuwento pa niya, pamilyar na sa kanya ang lalaki.

Hindi rin ito ang unang pagkakataong nagnakaw ang suspek sa grocery store.

“Andito siya ng iba't ibang oras. Ala una, alas dose, alas dos.”

Hindi rin umano ito nag-iisa sa ginagawang pagnanakaw. “Tatlo sila.”

May mga nabiktima na rin ito na iba pang establisyemento sa lugar.

Read: Parating na ba ang National ID? I-check ang status sa PHLPost tracking website

Inamin naman ng suspek ang ginawang pagnanakaw, “Oo, nagnakaw ako ng cologne. Para i-spray sa sarili ko dahil ilang araw na akong walang ligo.”

Read: Free cinematography course for college students, handog ng Mowelfund, FDCP, at CMB Films

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek. Aalamin din kung may record siya ng pagnanakaw sa ibang lugar, at ang pagkakakilanlan sa mga kasamahan ng suspek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala ng mga awtoridad sa mga tindahan, mag-install ng CCTV camera para mamatyagang mabuti kung may nagnanakaw ng mga paninda.

Ang paglalagay ng CCTV ay isa sa mga requirements sa pagkuha ng business permit ng mga establisyemento.

Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pamilyar na umano sa security guard ang suspek dahil madalas itong nasa loob ng grocery store. May mga kasama rin ito sa ginagawang pagnanakaw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results